"Jayron!"

"JAYRON!"

MABILIS AKONG napabangon ng higaan nang sapo-sapo ang aking dibdib at mabilis ang paghinga. Agad napatakbo sa akin si Jelsey na may dalang supot, binigay niya ito't hinawakan ang aking kamay. "Go, Christine, breathe here slowly." nag-aalala nitong tugon.

Tinitigan ko muna ito't niyakap bigla habang umiiyak nang malakas. "Binabangungot ka ata kanina, Christine. Here. . . use this." Pilit niyang ibinibigay sa akin ang supot habang ako'y nakakapit pa rin sa aking dibdib.

"N-No, it's fine." Dahan-dahan akong huminga nang malalim at tuluyang pinakakalma ang aking sarili. "I-I'm not. . . uhm. . . h-hyperventilating. I'm fine, Jelsey, t-thank you."

"Salamat naman at nagising ka na, Christine." Hinaplos-haplos nito ang aking likod at binigyan ako ng bimpo para punasan ang aking pawis. "Imma call Tita Maria and say that you're awake, yeah? J-Just wait here. I'll be back."

Hindi na nito hinintay ang sagot ko at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Bahagya akong napangiti dahil sa effort niyang alagaan ako. We may not call each other best friends, but I can see that we really are one. Napailing na lang ako nang maalala muli ang panaginip ko.

Isa nga talagang bangungot 'yon.

Nang araw na iburol si Papa ay hindi makapagsalita si Jayron kaiiyak. Ako ang sumama at nagbantay sa kaniya dahil si Mama ang nag-aasikaso ng mga gagawin sa burol at libing ni Papa. Katulong si Anthony noon, 'di kalaunan ay nakapagsalita na muli si Jayron at bumalik na ang kaniyang kakulitan. Natanggap na rin nito na nawala na si Papa at namuhay na normal muli.

Pero hindi 'yon nagtagal, dahil siya naman ang nagkasakit ng parehong karamdaman ilang taon ang makalipas.

"Christine. . . Anak?" Dali-daling pumasok si Mama sa kwarto kung nasaan ako. Tinabihan ako nito't hinawakan ang aking kamay. "Nahimatay ka kanina, Anak. Hindi ba't sinabi ko sayo na magpahinga ka rin minsan?"

Hindi ko pinansin ang tanong nito't ako ang nagtanong, "Kumusta si Jayron, Mama? Ano pong nangyari sa kaniya?"

"Maayos na ang lagay ni Jayron, Anak. Nagpapahinga na siya ngayon sa kwarto katapat nitong kwarto mo. Nasa hospital pa rin tayo ng mga Sandoval, Christine."

Dahan-dahan akong napatango at inilibot ang aking mata. Malaki ang kwarto na ito pero hindi amoy gamot tulad ng karaniwang amoy ng isang hospital. Marahil dahil wala namang ginamot dito o hindi pa nagagamit. May bintana rin sa aking kwarto kaya kitang-kita ko ang kadiliman ng gabi. It was pitch black out there. Inilayo ko na ang tingin ko mula doon bago pa ako mas lamunin ng kalungkutan.

"Ma, gusto ko pong makita si Jayron." Hinawakan ko ang kamay ni Mama at bahagyang ngumiti. Gusto kong makita ang lagay ng aking kapatid.

"Pero kailangan mong magpahinga, Christine. You hyperventilated earlier tapos nahimatay ka pa dahil sa pagod at pagkabigla."

"Gusto ko ho talagang makita ang kapatid ko, Mama."

Hindi na ito nakatanggi at sinamahan na ako palabas. Dumating na rin si Jelsey galing kabilang kwarto at inalalayan ako habang papasok sa kwarto ni Jayron. Gaya ng inaasahan, amoy gamot ang loob nito. Marami ring aparato na maaaring ginagamit ng mga doctor para kay Jayron. Kasing laki lang nito ang kwarto ko pero walang bintana.

Pagpasok ko'y mulat na mulat ang mata ni Jayron at nakangiting sinalubong ako. I thought he was sleeping and resting due to his cardiac arrest earlier. Pero tingnan mo, masigla ang hitsura niya pero ang kalagayan ng ulo niya ay hindi gaanong maayos.

May benda ang ulo nito pero parang hindi naman niya 'yon masyado iniinda. Tiningnan ko ang nag-iisang doktor na si Doc Ivan at ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik at nilapitan ako nang makaupo na ako sa tabi ni Jayron. "Doc Ivan, ano hong lagay ng ulo ni Jayron ngayon?"

Ngumiti ito't bahagyang tumango. "We scanned his skull earlier and we found out that he has external concussion. After he rested for an hour or two, we will do a complete CT scan to see the state of his brain. The defibrillation was successful earlier so we've saved him from his cardiac arrest. Rest assured that we will do everything to make your brother fine, Atty. Christine."

"Thank you, Doc." Ngumiti ako't tiningnan si Jayron. "Narinig mo 'yon? Magiging maayos rin ang lagay mo."

Natawa ito nang bahagya at bumulong sa akin, "Baliw ba 'yon, Ate?"

I chuckled and tap him on his arm. "Bakit mo naman nasabi 'yan, aber?"

"Kung ano-ano kaya ang sinasabi, haha!" Natawa ito lalo at napahawak pa sa kaniyang tiyan. Napailing na lang ako habang nakangiti. Si Mama naman at si Jelsey ay nakangiti ring nakatingin sa amin.

"Ate, congrats nga pala ah!"

Napakunot ang aking noo sa kaniyang tinuran. "Congrats naman saan, Jayron?"

"Nabanggit mo kaya sa'kin na nanalo kayo kanina sa trial niyo ni Ate Jelsey sa kaso ni Kuya Anthony."

Ngumiti ako rito't hinawakan ang kaniyang kamay. "Salamat, Jayron." Hinalikan ko ito sa noo at tumawa. "Wala bang masakit sayo?"

Hindi nito pinansin ang aking tanong at ngumiti lang sa akin. "Ate Christine, nakapag-I Love You na ba ako sayo?"

Napangiti lang ako sa kaniyang sinabi.

"I love you, Ate Christine."

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now