You know, attorneys are not just attorneys sometimes. We do detective stuffs just to get what we wanted.

Sandoval cleared his throat and smiled. "A'right. So this is what happened that night.

"Nasa Rivamonte Hotel kami no'n dito sa Pasig, kasama ng business partner ko at ng aking fiancé." Ngumiti ito nang mapait sa akin.

Bahagya akong napasinghap ng hangin nang mabanggit niya ang kaniyang fiancé. Ikakasal na pala ang gagong 'to. Well, I really don't care. But I don't know until when.

"Proceed." I ordered.

"Hapon na nang dinala ko sa room namin ng aking fiancé ang business partner ko para mag-hapunan. It's around 7:00 pm to 10:00 pm on January 12. Pinagluto kami ni Charisse, nagpadala rin kami ng extra na pagkain sa Hotel kitchen, kumain kaming tatlo at nag-inuman."

Napakunot ang aking noo nang hindi magtugma ang kaniyang sinasabi sa report na ibinigay sa amin ng pulis. "Are you and your fiancé okay with each other?"

"Yes." he stated.

"Are you saying the truth and nothing but the truth, Sandoval?" Jelsey asked.

Sandoval nodded.

"Bakit ang nakalagay dito sa report ay hindi kayo magkaayos ng mapapangasawa mo?" I confronted him.

Napakunot din ang noo niya at mabilis na umiling. "That must be defamated or tampered. Or might be influenced by higher officials or my enemies."

Naningkit ang mga mata ko.

"Magkaayos kaming dalawa ni Charisse Villaluna, my fiancé's name. We're always agreeing with what one another was saying. We're supporting each other 'til we succeed and reached this wealth that we were living. I don't know why that day, nabilis mataranta si Charisse at palaging malalim ang iniisip. I loved her and I wanted to protect her. Kaso ngayon, patay na siya."

Kumuyom ang mga kamao nito't nagngitngit ang kaniyang mga ngipin. "She was beaten up while she was naked. May nakatarak din na tinidor sa kaniyang kanang mata. 'Yan ang natandaan ko nang magising akong umaga na, patay na silang dalawa.

"No'ng gabi bago mangyari ang nangyari kay Charisse, lasing na kaming dalawa ni John Tyler, ang business partner ko. Nagku-kwentuhan kami hanggang sa bigla na lang siyang tumumba nang uminom siya ng bagong bukas naming alak. Ngunit bago pa siya tuluyang tumama sa sahig ay bigla na lang may humampas ng baril sa aking batok. Doon na ako nawalan ng malay."

Isa na namang misteryo ito. "According to this report, you killed John Tyler, your business partner, by shooting him on his forehead with a calibre 45 gun with suppressor. Paano nangyari 'to kung nawalan ka ng malay?"

"I think I was framed in this crime. Pagkagising ko'y may tama na ng baril si John. Tapos nakita ko na lang si Charisse sa kwarto namin na puno ng bugbog. Hindi ko alam ang gagawin ko no'n. I called 911 and asked for an ambulance. Tapos ay umalis na ako para humingi ng tulong. That was around 4:00 am."

Tumingin ako kay Jelsey at kinumpirma kung totoong ganoong oras nagpunta si Sandoval sa law firm nila. Jelsey nodded and affirmed, "4:16 am to be exact. When I checked the expected time travel from Rivamonte hotel to our law firm, it's correct."

Ngumiti ako kay Jelsey at tumango.

"May bakas o talsik ba ng dugo ang damit mo no'n?" I asked Sandoval again.

"Wala." He answered right away. "Malinis na malinis ang damit ko no'n kaya nagawa ko agad lumabas nang walang nakakapansin sa akin. Alam kong na-set up ako, Attorney. Kung hindi ay bakit pa nila ako itinira, hindi ba?"

"Pero hinuli ka pa rin nila dahil sa mga ebidensiyang nagtuturo na ikaw ang may kasalanan. May bakas daw ng dugo ang mga damit at sapatos mo. May fingerprints sa calibre 45 na baril sa crime scene----"

"---- na alam kong wala akong baril----"

"At may fingerprints na nakita sa tinidor na itinarak sa mata ng fiancé mo. May bote ng lason at mga shoe prints ninyo, Sandoval." I informed him and looked at the paper that I was holding.

Natulala siya sa aking mga sinabi. "We trust you, Sandoval. Sigurado ka sa sarili mo na sinet-up ka at hindi mo lang kami pinaiikot-ikot dito?" Jelsey asked and looked at Sandoval intently.

Determinado siyang tumango at sumagot ng, "Oo. Hindi ako ang may kasalanan at may gawa sa lahat ng ibinibintang nila sa akin."

Napangiti ako sa aking isipan. Pero alam kong mabigat na kaso ang posible niyang kaharapin kung hindi namin maipapanalo ito.

"Ang sabi mo'y umalis ka agad pagkatapos mong makita ang nangyari sa fiancé at sa business partner mo. Saan o kanino ka nagpunta?" diretsa kong tanong sa kaniya.

Napatingin ito kay Jelsey. "Sa law firm kung nasaan si Jelsey."

Bahagyang tumango si Jelsey sa aking tabi. "Bakit sa abogado ka agad nagpunta at hindi sa ibang mga kaibigan mo? Tanggap mo na bang posible kang makulong?"

"Actually, there's someone who called me around 4:00 am. Hindi ko na tanda ang sinabi niya kaya hindi ko alam kung may kinalaman siya rito. Pero sa tingin ko naman ay wala. You can check my phones from the prosecutor's list of evidence."

I nodded and signalled him to proceed.

"Matalino ako kaya alam kong pakana itong lahat ng mga nakalaban ko sa negosyo. Sinet-up nila ako at alam ko nang mangyayari lahat ng 'to. Kaya naghanap ako ng abogadong magtatanggol sa'kin sa korte bago pa man nila ako bigyan.

"Pinuntahan ko agad ang isang abogado na alam kong mapagkakatiwalaan, at magtitiwala sa akin. A lawyer and an attorney who already know who's the real me. The whole me. Kaso sabi ni Jelsey ay wala siya sa law firm nila. Kaya nakiusap ako na tawagan siya't tanggapin ang kahaharapin kong kaso." Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Yung abogadong alam kong determinado para ipagtanggol ako laban sa mga nais magpakulong sa'kin. 'Yong abogadong mapagmahal sa pamilya niya kaya alam kong maibibigay niya ang lahat para sa mga kliyente niya. 'Yong abogadong alam ko ay mahal ko pa rin."

Napalunok ako sa mga sinabi niya habang siya'y patuloy na nakatingin sa akin.

"Will you continue defending me, Attorney Christine?"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon