Ilang minuto lang ang byahe namin dahil wala namang traffic masyado dito sa Pasig lalo na sa ganitong oras. Nang makapag-park na kami sa parking lot ng Pasig General Hospital ay pumasok na agad kami sa loob at dumeretso sa kwarto ni Jayron. We were wearing black caps to hide our face from everybody. Alam niyo na, baka kasi pagkaguluhan. Lalo na ngayo't kalat na kalat na sa media ang first appearance ni Sandoval sa Metropolitan Trial Court o MTC dito sa Pasig.

Pagbukas namin ng pinto ng kwarto ni Jayron ay may bumati agad sa'min. "Hay, salamat at nakadalaw ka rin, Ate Christine!" Nakangiting pagsalubong sa akin ng aking kapatid. "Oh, nand'yan din pala si Attorney Jelsey. Hi po!"

"Ate Jelsey na nga lang, Jayron." Nakangiting giit ng aking kaibigan. Umupo muna siya sa bench sa tabi ng pintuan samantalang ako'y tumabi muna kay Jayron at umupo.

"Nasanay lang po ako, Attorney-- este Ate Jelsey." saad ni Jayron. Nang dumako ang tingin nito sa aking bitbit na mga prutas at mga tsokolate ay mas lalong lumawak ang ngiti nito. "Wow, ang dami naman niyan, Ate Christine." Kumuha agad ito ng isang mansanas at kinain 'yon. "Salamat po!"

"Walang anuman, Jayron."

Sadyang napakabait na bata nitong ni Jayron kaya hindi ko alam kung bakit siya nabigyan ng ganitong napakalaking problema. Pero iniisip ko na lang, ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. At may plano ang Diyos sa ating buhay. Sana nama'y makasama pa namin si Jayron ng mas mahabang panahon. Hindi 'yong ganitong may kahati pa siya sa oras namin ni Mama.

Sampung taong gulang pa lang si Jayron. Actually, he's good-looking, tall, and good. Kaso'y unti-unti itong namayat nang minsan ay hindi na siya kumakain dahil nawawalan na raw ng gana. Mabuti nga ngayo't kumakain-kain siya kahit mga prutas para naman lumakas ang pangangatawan niya. "Kamusta na ang pakiramdam mo, Jayron?"

Tumigil muna sa pagkagat ng mansanas si Jayron at ngumiti sa akin. "Maayos naman po, Ate. Palagi naman po akong naaalagaan dito."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Nagtagal kami doon ng mga dalawang oras bago may tumawag sa telepono ni Jelsey. I knew it was an urgent call based on her reaction. Naramdaman ko ring may koneksyon 'yon kay Sandoval nang tumingin ito sa akin. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap nila sa labas ng kwarto ni Jayron ay bumasok na ulit ito't tiningnan ako.

"You need to know something urgent about Sandoval's case."

Napataas ang aking kilay. "Spill the tea, Jelsey."

"Hindi na magistrate ang magfa-facilitate ng kaso ni Sandoval. Yung mismong assistant at yung judge na mismo ang haharap sa atin mamaya."

Napahinga ako nang malalim pagkatapos niya magsalita. "Akala ko naman kung ano na, Jelsey. It doesn't make any much of a difference. Naiba lang 'yong magsasalita."

She instinctively rolled her eyes and clicked her tongue. "One more thing, hindi na tayo pupunta sa Pasig MTC."

"Bakit? Mare-resched daw 'yong preliminary hearing mamaya?" I asked.

Mabilis na umiling si Jelsey. "No. Itataas na sa Manila Regional Trial Court ang kaso ni Sandoval."

"WHAT?!"

°°°

Sa totoo lang, nag-file ang assailant ni Sandoval ng kaso sa Pasig Metropolitan Trial Court dahil dito sa Pasig naganap ang akusang pagpatay ni Sandoval. So, Pasig MTC has the jurisdiction of this criminal case. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang itaas nila sa Regional Trial Court ang kaso. Hindi ako nagulat dahil natakot ako na baka hindi namin maipanalo ang kaso sa Manila RTC.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon