PROLOGUE

52 0 0
                                    

"Good morning Miss Creed!" magalang at nakangiting bati ng mga tauhan ko. Inirapan ko lang silang lahat at hinawi ko ang aking buhok. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Miss Miles, good morning po," bati ni Jewel, ang aking sekretarya and assisstant. Sinalubong n'ya ako. Binigay ko lang sa kanya 'yong bag ko. Maingat nya naman itong kinuha at binitbit. Siya na rin 'yong nagpindot ng floor number nung sumakay kami nang elevator.

"What's my schedule for today?" mahinahon na tanong ko sa kanya.

"Uhmm... Uh..." Kita ko ang pagpisil niya ng kanyang darili. Nervous? Tss...

"Don't tell me, you didn't know my schedule yet?" seryosong sabi ko at tinignan siya nang masama.

"Naisulat ko po 'yong schedule nyo at nailagay ko iyon sa cellphone ko pero hindi ko po iyon nakabisado agad. Naiwan ko po 'yong notebook at phone ko sa desk ko kaya-"

"STOP." mariing sabi ko at tinaas ko 'yong isang kamay ko kaya tinikom niya agad ang kanyang bibig. Nauna akong naglakad palabas ng elevator.

"I'm just giving you a minute to get your d4mn notebook and your fvcking phone," mataray na sabi ko at hinablot ko sa braso n'ya ang aking bag. Padabog pa akong pumasok sa aking opisina.

Saktong pag upo ko ang pagdating ni Jewel dala-dala ang kanyang notebook at cellphone.

"So, what's my schedule?" tanong ko sa kanya at sumandal sa sandalan ng aking swivel chair.

"Uhm, may meeting po kayo with Mr. Hermosa mamayang 10 am. Lunch Meeting with the stockholders. Mamayang 3pm naman po may appointment kayo with your designer. Mamayang 7pm daw po may dinner kayo with your cousins. May mga kailangan din po kayong pirmahan today. At Pinapasabi din po ng Uncle Daniel nyo na baka daw po pwede nyo siyang tawagan. Wala po siyang sinabi kung anong oras pero sabi n'ya po dapat ngayon araw matawagan nyo siya," mahabang sabi niya. After niyang basahin yung nakalagay sa notebook at tumingin s'ya sa akin. Tinaasan ko siya nang isang kilay kaya napayuko siya.

"Iyan lang?" tanong ko sa kanya with my serious face.

"Y-yes po, Miss Miles," kinakabahan na sagot n'ya habang napayuko pa rin.

"Kabisado mo ang periodic table?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Yes po..." sagot niya.

"Hanggang ngayon? Lahat 'yon?" tanong ko pa. Nag angat siya nang tingin sa'kin. Pinandilatan ko siya kaya napayuko ulit ito.

"O-opo..." kinakabahan pa rin na sagot niya.

"So, bakit 'yang napakaikling schedule ko ay hindi mo makabisado?!" mataray at pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Kasi po Miss Miles, masyado po ako naging busy sa pag aayos ng mga files na kailangan ninyong icheck at pirmahan today kaya po hindi ko masyado na tignan 'yong sched-"

"Enough for the reasons. Get out of my office now." Putol ko sa sinasabi niya.

"Miss Miles, tatanggalin ninyo na po ba ako?" Kitang-kita ko ang takot n'ya habang sinasabi iyon.

"Gusto mo?" seryosong tanong ko.

"Hindi po!" mabilis na sagot niya at umiling-iling pa.

"Sinisigawan mo ba ako?" Umiling naman siya agad. "Kung ayaw mong matanggalan sa trabaho umalis ka na dito at ipadala mo na ang mga files. Kailangan in 1 minute nandito na lahat 'yon. And your time start now." Nagmadali siyang umalis sa aking opisina. Halos tanggalin n'ya pa ang heels na suot n'ya para lang mapabilis pa ang paglalakad. Tss.

Anyway, I'm Millicent Creed. Miles for short. 23 years old turning 24 this year. At age of 22, pagkagraduate ko nagtrabaho na agad ako hanggang sa naging CEO na. Hindi ko gusto ang trabaho kong ito but I have no choice.

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Where stories live. Discover now