They say, I'm Heartless woman, Rude, Harsh, B1tch, Strict, Disrespectful, Bad girl, Witch, Evil ilan lang 'yan sa naririnig ko. Everyone hates me except to my cousins, uncle, and auntie. Well, I don't care about the haters. Wala akong pakielam kung magalit man sila sa akin. This is me and I won't change myself just to make them love me. And I don't need their love.

"Your 5 seconds late," sabi ko habang nakatingin sa wrist watch ko nung dumating si Jewel dala ang mga papeles.

"Sorry po, Miss Miles. But I did my best naman po para makarating in time," sabi nya habang hinihingal at maingay na ibinaba sa desk ko 'yong mga papeles.

"Then, your best is not enough." diretsong sambit ko sa kanya. Napairap ako nung makitang napayuko siya nung narinig yung sinabi ko. Bumuntong hininga pa ako bago nagsalita ulit. "Well, hindi na bago iyon. Lagi ka namang palpak eh. Hay!" Umirap ulit ako at hinawi ko 'yong buhok ko. "Leave now bago pa kita tanggalin sa trabaho mo." mataray na sabi ko at tinignan na 'yong mga papeles. Umalis na rin naman sya.

Binasa, chineck at pinirmahan ko lang ang mga walang kwentang papel na iyon. Kahit sobrang nabobored ako pumunta pa rin ako sa mga meetings ko.

"Hey! Hey! Yow cous, what's up?" nakangiting bati ni Gio sa akin at nakipaghigh five pa. Giovanni is one of my cousin and he's the second youngest in our family.

"How was your day?" tanong ni Ken habang tumitingin sa menu. Aiken is one of my cousin too. Pinakamatanda s'ya sa amin magpipinsan.

"Nothing's new," seryosong sagot ko at kinuha na yung menu para pumili na rin ng pwedeng iorder.

"Nagsungit na naman siguro 'yan," sabi ni Gwen at ngumisi. Gwen is Gio's older sister.

"Tatanda ka agad nyan ate, kung ganyan ka lagi," maarteng sabi ni Aaliyah. The youngest in our family and the girl version of Gio.

"Nako bhie, sayo pa lang tatanda na agad 'yang si Ate Miles noh," sabi ni Danica. She's Uncle Daniel's only daughter.

Napasimangot si Iyah sa sinabi ni Nica kaya naman natawa kami.

"Ayown! Happy pill nyo ko ee no?" sabi ni Iyah at umirap.

"You're so cute..." nakangiting sabi ni Dylan. Nica's older brother. Kinurot pa ni Dy yung pisngi ni Iyah kaya mas lalo itong sumimangot.

"Pero alam nyo ba na bago na naman yung boyfriend nyan?" sabi ni Dion at tinuro pa si Iyah. Nica's older brother too.

"Really?" tanong ko at tinignan si Iyah.

"Sino na naman yung boyfriend mo ngayon?" tanong naman ni Ken at nagtaas ng kilay kay Iyah. Kita ko naman ang pananakot ng iba naming pinsan kay Iyah.

"U-uhm, he's not my boyfriend. It's just a fling, okay? Nothing's serious, guys. Uh, I'm hungry. I'm very sure, kayo din. So, Let's order na? Waiter!" Napailing na lang ako sa pagchachange topic n'ya.

"Sana mahanap mo na 'yong katapat mo," sabi ni Nica sa kanya at ngumisi.

"Ikaw den," sabi ko kay Gio. Napatigil ito sa pagtetext sa kung kanino at napakamot siya sa ulo.

"Ate Miles, bat naman nadamay ako bigla? Nakatahimik nga lang ako dito," sabi niya at nagpout pa ito.

"Syempre! Kesa naman si Kuya Ken yung idamay ee wala namang gf 'yan. Puro work lang inaatupag nyan eh," pabalang na sabi ni Gwen at umirap sa kapatid.

"We never know..." nakangising sabi ni Gio at malokong tinignan si Ken.

"Umorder na tayo," sabi ni Ken at sinabi na n' ya yung order n'ya sa waiter na tinawag ni Iyah kaya umorder na din kami. Nagdadaldalan at asaran lang kami habang kumakain.

"Si Jewel oh!" sabi ni Gio at may tinuro sa likuran ko.

"Basta talaga babae kitang-kita mo agad ahh," sabi ni Dylan at tumingin sa likuran ko.

"Sino na naman ba 'yang Jewel na 'yan?" tanong ni Gwen habang nakatingin sa likuran ko. Lahat sila ay nakatingin na doon kaya napatingin na rin ako kahit na wala naman akong paki kung nandyan ba sya o wala.

"Jewel Adams. Ang sekretarya slash assistant ni Ate Miles. She's married na kaya wala na kayong chance sa kanya pero never nakilala ng mga madlang yung asawa n'ya. In short, she's married with Mysterious Guy," Sabi ni Iyah habang nakatingin pa rin kay Jewel. Nung napatingin si Jewel sa pwesto namin ay ngumiti ito at kumaway. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

"Sino naman 'yong kasama niya? Baka 'yan yung asawa n'ya," sabi ni Ken. Nakatingin pa rin sila kila Jewel. Napailing na lang ako. Hindi ko alam na chismosa/chismoso na pala sila ngayon.

Nakaupo si Jewel sa hindi kalayuan sa amin and she's with a man.

"Hindi ah! That's her brother. Nicholas Adams, also known as Nik. 26 years old. And he's Famous Model. Sabi nang lahat sobrang gwapo at hot niya daw kahit hindi naman s'ya rich kid. Well, tama naman sila, diba?" nakangiting sabi ni Nica. Gwapo and Hot? Napairap na lang ako.

"Yeah, definitely but hindi ako mahilig sa mas matanda sa akin kaya ekis na s'ya sa akin," sabi ni Iyah at umiling-iling pa s'ya.

"Aray!" inda ni Iyah nung piningot ni Ken yung tenga niya. "Kuya naman..." reklamo niya at hinawakan yung tenga niya.

"Bata ka pa kaya talagang bawal ka dyan," masungit na sabi ni Ken sa kanya pero kahit na gano'n ay hinaplos pa nito ang tenga ni Iyah. Ngumuso lang sa kanya si Iyah. Natawa na lang naman yung mga boys.

"Pero aminin ninyo talagang gwapo s'ya, diba, Ate Miles?" tanong ni Iyah sa akin. Lumingon ulit ako sa likuran ko para tinignan yung kasama ni Jewel. Pinag masdan ko ito ng maigi. Bumuntong hininga ako at nag iwas nang tingin.

"Not really," sabi ko at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

"Huh?" Iyah

"Not really?" Nica

"Seriously, Miles?" Gwen

Tinaasan ko sila nang isang kilay nung makita ang pagtataka sa mga mukha nila.

"Well, that's her opinion," sabi ni Dy at nagkibit balikat.

"Not really naman talaga yan kasi mas gwapo pa ako dyan no," sabi ni Gio at kumindat pa ang loko.

"That's so korni, bro," sabi ni Gwen at tinapik si Gio.

"Ang kapal mo naman, Kuya Gio!" komento naman ni Iyah at umirap.

"Ahehehe... Funny ka rin talaga ee no?" sabi naman ni Dion sa kanya.

"Nice joke," sabi ni Nica at tumawa pa ng peke.

"Okay, Next joke, please?" sambit ni Dy.

Samantalang kami ni Ken ay natawa na lang sa kanila.

"What's wrong with you, guyz? Kamag anak ko ba talaga kayo? Hindi man lang kayo sumupporta sa akin," napapailing na sabi ni Gio na parang talagang disappointed siya sa amin.

"Edi support!" sabay-sabay na sabi namin sa kanya at humalakhak.

Nagpatuloy pa kami sa pag aasaran hanggang sa matapos kaming kumain at makauwi.

Pero bago kami makalabas sa restaurant na 'yon nakita ko ang titig sa akin nung kapatid ni Jewel.

What's wrong with him? Why he staring at me?























ENJOY!

Behind Her Attitude (CREED SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant