Chapter 37

962 75 4
                                    

Luna

Napahawak ako sa aking bewang habang nagpapahinga sa hagdan. Inutusan kasi ako na dalhin itong mga lumang student's files sa basement.

Walang katao-tao ngayon sa hallway dahil class hours, kaya nag-iisa lang talaga ako at sobrang tahimik.

Nang makapagpahinga na ako ay napatayo na ako saka nag-umpisa muling bibitbitin ang kahon patungo sa taas.

Buti na lang at malapit lang naman ang basement kaya binuksan ko na ito saka pumasok.

Napakalaki ng kwarto ngunit puno ito ng mga papel, hinanap ko nakaraang taon saka ko ipinatong doon ang dala kong box.

Nang matapos ay kaagad ko din namang sinara ang kwarto. Ngunit pagharap ko sa kung saan ako nanggaling.

Nakasandal sa pader na si Naomi ang kaagad kong nakita.

"Musta?"

Sabi nito saka ibinulsa ang kanyang kamao.

Humilom na rin ang sugat sa bibig niya pero simula nung nangyari ng gabing yun. Walang oras na hindi kami nagkakasamaan ng tingin.

Syempre galit parin ako at alam kong ganun rin siya.

"Anong kailangan mo?"

Tanong ko.

"You know, I really can't accept losing... especially not to people like you... Ni hindi ko nga maintindihan why Sabrina is so fond of you."


Ang daming sinasabi. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na magkaibigan lang kami kaya wala siyang dapat na ikagalit sa akin.

"Alam mo? hay naku... bakit pa ba ako magpapaliwanag sayo? hindi ka naman makaintindi."

"Bakit ka nanaman ba nandito? para bantaan nanaman ako? ano pa bang gagawin mo?"

Nabigla ako nang bigla niya akong hinila saka niya ako sinalampak sa pader.

Sobrang lapit pa ng mukha niya habang nakatitig sa akin.

"How bout we make a deal?"

Madiing sabi niya saka ako napangisi.

"Let's fight for it, whoever loses will promise to never come near Sabrina again."

Siraulo ba tong babae na to?

"Fight? nasisiraan ka na ata ng bait Naomi."

Tumatawa kong sabi kaso bigla niyang hinila ang kwelyo ng uniporme ko saka ako napangisi.

"Fist to fist, I'm serious Madrigal. Oh baka naman naduduwag ka??"


Muli ay natawa nanaman ako.

"Duwag? Magaling na ba yang sugat sa labi mo? masakit ba?"

Syempre hindi ako concern.

Pinapaalala ko lang sa kanya na kaya kong lumaban kung sa paraang yun lang naman ang pag-uusapan.

"You just got lucky Madrigal, anyway... tutal walang kahit sino sa atin ang gustong magpaubaya... let's just do it... tsaka gusto ko ring makabawi... I wanna see some scars on that pretty face of yours too.. "


"Diba dapat sa relationship give and take?"

Sabi nito saka na lumayo sa akin.


"Meet me sa abandoned building dyan sa labas ng academy, Saturday at 6 pm. Wala kang isasama, wala rin akong isasama. Think of it as our first date."

Loser's club Where stories live. Discover now