Chapter 2: HSA

2.2K 129 30
                                    

Ako parin to, Si Luna.

Nandito ako sa dati kong school ngayon. Kinukuha ko lang mga records ko para sa nalalapit na enrollment.

Kasama ko si Rys, bestfriend ko since elementary.

"Uy Luna, diba di mo pa alam kung san ka magkokoliheyo?"

Tumango naman ako habang ngumunguya ng tag kinseng burger na walang gulay at may sandamakmak na ketchup.

"Open ngayon HS Academy...."

kaagad naman akong ngumisi.

"Siraulo, private kaya yun. Ang mahal mahal dun eh."

"Tanga patapusin mo kaya ako! hay naku ikaw kasi di ka nagreresearch..."
Sabi nito saka ako tinulak.

"Ganito kasi yun... eh diba private sila? pero last year nag annouce sila na magkakaroon ng HS Academy for Scholars... para bang public version ng HS... parang ganun."

"Doon pwede mag enroll mga tulad natin... ang alam ko kailangan maipasa yung examination nila for scholars."

Mahaba niyang paliwanag at ako naman ay patango-tango habang pinoproseso ang mga sinabi niya.

Yung school na yun kasi, exclusive lang sa mga rich kid at puro babae lang.

"Kapag naipasa nga natin? malayo yun... pamasahe natin araw-araw o kaya magboboard--"

"Hep! Hep! di pa ako tapos!"

Sabi niya saka hinarang sa mukha ko ang kamay niyang amoy burger pa.

"Kung yan ang problema mo... alam mo bang full scholarship yun? kapag nakapasa ka, lahat nang gastusin mo, sa kanila na. Pati allowance mo."

"At ito pa! may dorm sila so di ka na mamomroblema sa pamasahe o kaya sa pukinginang boarding house na yan!"

Natawa na lang talaga ako sa babaeng to. Hanep kasi ang bunganga.

"Talaga ba? eh pano naman mag-apply dyan? baka mamaya ang dami daming requirements. Ubos pera pati pasensya."

Sabi ko.

"Hah! school records mo lang naman ang kailangan... Xerox copy ng card mo, Birth certificate at form 137. Tapos dapat 90-100 ang average mo... at syempre yung entrance exam."

Hindi makapaniwala na lang akong nakatingin sa kanya.

"Oh ano? game? aba ehh magdesisyon ka na. Sure ako dudumugin to, baka mawalan pa tayo ng slots."

"Sige! payag ako... kailan?"

Kaagad kong sagot. Susubukan ko lang. Malay natin diba?

Makakagaan kami kung sakali mang makapasok ako sa school na yun.

"Bukas... ahh daanan kita tas diretso tayo dun sa Academy. "

"Kaagad?"

Tanong ko.

"Aba oo! mas mabuti nang maaga. Tsaka maaga tayo aalis kaya mas maganda ngayon na natin asikasuhin yung mga kailangan."

Tumango naman ako.

Balak ko munang wag sabihin kina Mama ito kasi di pa naman sure. Ayokong umasa sila. Haha.

Kinabukasan nga ay maaga akong nagising. Si Mama pa lang ang gising at abalang naghahanda ng agahan.

Nagtaka pa siya dahil maaga akong naligo.

"Nak, san lakad mo? ang aga mo ata?"

Tanong niya sa akin habang kumakain ako.

Loser's club Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon