Chapter 84

466 52 34
                                    

Luna

Naging mahirap ang sitwasyon naming dalawa ni Sabrina.

Magdadalawang buwan pa lamang kami rito pero parang ilang taon na ang tagal. Para bang ayaw umusad ng araw sa amin.

Naging abala na siya masyado sa trabaho. Halos hindi na kami nagkakasama ng matagal.

Yun lang yung mga oras na magkatabi kaming matulog sa kama.

Hindi ko na siya madalas nakakausap dahil sa pagod siya palagi at mas pinipili niya na lang matulog.

Hindi naman ako nagrereklamo dahil alam ko nga ang hirap niya. Kaya ako, bumabawi na lang ako sa pag asikaso sa kanya.

Pinaghahanda siya sa umaga.

Ihahanda at pinipilian siya ng damit na isusuot at pagkatapos ay magpapaluto ng pagkain niya.

Sa pagmamadali niya hindi na siya nakakakain kaya simula nun ay nilalagay ko na lang sa baunan para pwede niyang dalhin na lang sa trabaho.

Pag dating ng gabi magpapaluto ulit ako ng pagkain niya pero sa kapaguran niya konti lang ang nakakain niya. Minsan nga sinusubuan ko na lang habang gumagawa siya ng mga papel na kailangan niyang tapusin.

Ginagawa ko ang lahat upang maalagaan siya pero minsan naaawa na talaga ako sa kanya. Medyo naggi-guilty tuloy ako kung bakit ko siya tinulak na gawin to.

Pero kapag sinasabi ko sa kanya na kapag hindi niya na talaga kaya pwede naman kaming umuwi na nagagalit siya at sinabing kaya niya.

Isa lang ang mga yun sa mga inaalala ko araw-araw at idagdag niyo pa yung pakikitungo sa akin ng mga pinsan niyang babae.

Buti na lang talaga at naiiba si Peter. Siya lang talaga at si Yanna ang nakakahalubilo ko rito simula nung dumating ako.

Pero wala lahat sa akin yun, dahil sa isip ko... Hangga't nasa tabi ko si Sabrina palagi magiging okay kami pero yun lang pala ang inaakala ko.

Dati inaakala ko lang baka pagod siya kaya hindi niya ako magawang kausapin, hindi ata.

Dahil mas lalo pa siyang naging mailap. Kinakausap niya naman ako. Pero hindi na tulad ng dati na kapag may nangyari sa trabaho niya ay kaagad niyang isusumbong sa akin.

Para akong nanghuhula palagi.

Minsan makikita ko siyang nakatulala at kapag tinatanong ko kung okay lang ba siya at kung anong problema lagi niya lang sagot ay wala raw.

Para bang tumayo siya ng malaking pader sa pagitan namin.

Isang gabi, sinubukan kong komprontahin siya pero nag-away lang kami.

Kaya ang ending, dalawang araw kaming hindi nagpapansinan. Nagkaayos na lang kami nang yayain ko siyang kumain sa labas.

Kasama ko siya at katabi gabi-gabi sa kama pero pakiramdam ko ang layo layo niya na.

Minsan di ko na siya mabasa, kahit na gustong gusto ko nang malaman kung ano bang nangyayari sa kanya hindi ko alam kung paano. Kasi sa ilang beses kong tinangkang kausapin siya ay palagi siyang walang sagot.

Sa mga panahong yun, mas lalo pa akong naging malapit kay Peter at Yanna. Hindi sa paraang iniisip niyo. Kaibigan lang ang tingin ko kay Peter. Pero si Yanna talagang nakuha niya na ang loob ko.

Walang araw na wala sa akin si Yanna. Palaging nagpapasalamat si Peter dahil kahit papano raw ay may kasama si Yanna bukod sa nanny niya.


Naglaon, hindi rin nagtagal yun nang dahil sa isang pangyayari isang hapon.

Loser's club Where stories live. Discover now