Chapter 31

978 71 8
                                    





Luna





Hay salamat! nakawala na rin ako sa kulungan ko! haha.

Di niyo alam ang hirap na dinanas ko sa mga kamay ni Sabrina.


Pero laking pasalamat ko sa kanya kahit na palagi niya akong pinagagalitan at kinukulong, ni ayaw niya akong tumayo.

Daig niya pa si Mama sa kahigpitan.

Pero inaamin kong sobrang naappreciate ko yun lahat. Dahil sa kanya gumaling ako kaagad.

Kahit kailan hindi niya ako iniwan.

Kaya napapaisip ako, bakit ba iniisip ng lahat na hindi siya mabait?

Oo, may pagkamasungit at maldita siya pero sa kabila nun. Nandun yung mapag-alaga na Sabrina.

Sa mga araw na yun, hindi ko na lang mapigilang di siya titigan o yakapin.

Ganun ko gustong iparamdam sa kanya na naaappreciate ko siya. Biruin niyo nagsulat talaga siya ng notes para sakin?

Kasi di niyo alam, hindi siya nagsusulat. Nakaupo lang siya buong oras sa klase.

Babalik na ako sa dorm. Ang totoo malungkot ako. Dahil sa ilang araw na wala ako. Wala man lang akong nabalitaang kinumusta ako ni Rys.

Nasasaktan ako ng sobra, kaya balak ko na siyang kausapin. Upang malinawan kung ano bang problema sa amin.

Nung gabing nakita ko si Athena, kasama si Sophia. Nagtaka ako. Lalo na nung nakita kong mugto ang mga mata ni Athena.

Gusto ko sanang magtanong kaso, hindi ko alam kung papaano.


"Luna, stop staring at nothing. You look stupid. "

Sabi ng babaeng katabi ko. Nasa room kasi kami nakatambay dahil wala ang prof. May meeting raw kasi.

"Pati ba naman pagtutulala ko pagbabawalan mo?"

"Urgh... you still can't get over it?? come on? look at your nose... magaling na. Thanks to me."

Oo nga magaling na. Wala na rin yung bandage. Pero bawal pang hawakan.

"Sige bibigay ko muna sayo. Tutal may utang na loob ako."

Sabi ko saka tumawa.

"Shut up, hindi yun utang. I willingly gave it to you... you don't owe me anything. Okay??"

Tumango na lang ako kesa magkasagutan nanaman kami.


"What are you thinking anyway??"  



Napatingin naman ako sa kanya. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.


"Do you miss your girlfriend??"

Oo nga pala, pero di naman girlfriend.

"Huh?? hindi ahh. Tsaka hindi ko pa naman siya kasintahan. Nagdedate pa lang kami."

Sagot ko.

"Tss whatever."

Ayan nagsusungit nanaman.

Hindi na lang ako umimik. Pero biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko, may text galing kay Athena.

Kaya pasimple akong tumayo para lumabas.

"San ka pupunta??"

Taas kilay na tanong niya.

"Uhmm CR? oo CR nga... balik lang ako."

Loser's club Where stories live. Discover now