Chapter 1: Crossed

6K 154 42
                                    

Luna

Mainit na ang sikat ng araw, may kurtina man at electricfan pero tumatagos parin ang init na nagmumula sa araw.

Rinig ko na ang ingay ng kapaligiran ko, merong mga batang naglalaro, may nag-aaway na mag-asawa o kaya may nagpapatugtog sa speaker na halos masira na tenga ko sa sobrang lakas. Eh sa dikit dikit kasi ang mga bahay dito kaya kahit siguro bulungan ng kapit-bahay ay naririnig ko na at minsan pa.... ah wala haha. basta marami akong naririnig.

Hindi naman na bago to sa akin, dahil pinanganak na ako rito sa lugar na to.

Kanina pa ako gising pero hindi muna ako natayo dahil tinatamad pa ako. Inienjoy ko muna yung bulyawan ng kapitbahay namin.

Hays palagi na lang ah. Diba nasisira mga lalamunan ng mga to?

Alam kong dapat hindi ako makialam kaso siraulo ako kaya kinatok ko ang ding-ding saka sumigaw.

"Umagang umaga!!! Mag-almusal nga muna kayo!"

"Sira!! manahimik ka Luna!"

Rinig kong sigaw ni ate Lyn asawa ni kuya Gabo. Oo sila yung nag-aaway. As usual, pera nanaman. Normal na siguro yun sa ating mga dukha.

Tumawa na lang ako saka tumayo na at lumabas sa maliit kong kwarto.

Paglabas ko ay nadatnan ko si Kuya Lorence na nakatunganga sa maliit naming t.v na may kalumaan na.

"Kuya san si Mama?"

Tanong ko habang tinatali ang mahaba kong buhok na hanggang bewang.

"Lumabas ehh di ko alam san punta."

sagot niya nang hindi parin inaalis ang tingin sa t.v.

Siya yung sinundan ko at pito kaming magkakapatid. Oh diba ang dami? hahaha ang sipag kasi nina Papa. Pero kahit ganto ay di naman maikakaila na masaya kami. Oo mahirap kami pero dahil sa pagmamahalan namin nagiging madali na lang yun.

Panganay namin ay si kuya Gino, hindi na siya nakatira rito dahil may sarili na siyang pamilya. Minsan na nga lang namin siyang makita.... sobrang miss ko na nga siya ehh..

Charot! nasa tapat lang bahay nila at madalas ako nandoon nagbabantay ng pamangkin ko.

Yung pangalawa naman ay si kuya Janus, nagtatrabaho siya sa pabrika ng tsinelas bilang isang guard kaya madalas wala siya. Sa aming magkakapatid siya ang pinakatahimik. Yung tipong ningiti ngiti lang.

Pangatlo si kuya Santi, ito naman yung puro lang pagwapo ang alam. Diyos ko, sobra kung mambabae. Wala siyang trabaho pero madalas siyang kuhanin sa liga ng basketball dahil sa galing niya.

Pang-apat si kuya Ronnie, isang delivery boy. Siya naman ang talagang pinakamaingay at mahilig mampikon. Madalas niyang pagtripan si kuya Lorence. Magaling siyang tumugtog ng gitara at doon kami nagkakasundo. Kumakanta kasi ako at minsan kapag may gig sila ng banda niya ay sinasama niya ako para mga konting kita din daw ako.

Sunod na nga ay si kuya Lorence, ito yung masyadong seryoso ,sensitibo at pikon. Oo sobrang pikon niya. Para siyang babae kaya palagi siyang inaasar ni kuya Ronnie na bakla.

Wala naman kaming problema kung ganun nga siya pero sabi niya naman hindi raw. Ganon lang daw talaga siya. Mabait naman siya at siyang madalas magturo sa akin pagdating sa aralin. Matalino kasi siya at pareho kaming nag-aaral. Pero siya isang taon na lang at makakapagtapos na sa kursong enhinyero.

Syempre ako ang sunod. Ang nag-iisang dalaga sa magkakapatid. Oo nakakapreassure magkaroon ng puro lalaking kapatid pero ang sarap naman sa pakiramdam na safe ka at walang magtatangkang manakit sayo.

Loser's club Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu