Chapter 28

997 83 27
                                    

Luna

Ilang linggo ang makalipas simula nung magkausap kami ni Athena. Napagplanuhan na namin ang gagawin. Kailangan na lang namin ng tamang tyempo.

Hindi ko rin makakalimutang sabihin na nagsimula na ulit ang klase namin. Kaya naging mas madalas pa kaming magkasama ni Sabrina.

Nagtutulungan kasi kami sa pag-aaral.
Matalino si Sabrina, mukha lang siyang walang pake sa klase pero ang dami niya palang alam.

Pinakamagaling siya pagdating sa English grammar and Literature. Aminado ako na pagdating doon nahihirapan ako. Kaya nung isang beses kailangan kong gumawa ng essay, sobrang laki ng tulong niya.

Kailangan kasi naming basahin yun sa harapan kaya sobrang kaba ko.

Kaso palagi niyang tinatawanan yung funny accent ko raw  kapag nagsasalita ng Ingles.

Nakakainis siya, porke fluent siya ehh. Halos maiyak na ako sa unahan habang nagbabasa, habang siya panay ang tawa sa likuran.

Hanggang ngayon naiinis parin ako.

Isang araw ko talaga siyang di kinausap nun.

Sa amin ni China, uhhh... minsan lang kami magkita. Minsan sinasamahan ko siyang lumabas. Minsan din nagpapatulong siya sa akin sa pag-aaral.

Kaso di talaga magbabago ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Kasi sa tuwing magkakasalubong kami o kaya pinupuntahan ako ni China. Magpapaalam si Sabrina.

Hindi gaya ng dati, hindi sila nag-iimikan.

Kaya mas lalo akong naiilang.

P.E namin ngayon at napili ng professor na magbasketball at ang mananalong team ay exempted sa Long quiz.

Diyos ko po, sa dinami dami ba naman ng sport bakit ito pa?? Actually kahit anong sport ayaw ko. Tsaka lalampa lampa talaga ako.

Nakasuot kaming lahat ng P.E uniform namin ngayon habang abala sa pagwawarm up.

Ako? ito nakaupo. Nanunuod sa mga nagwawarm up.

Natanaw ko si Sabrina na paparating at ang lahat ay nakatingin sa kanya.

"Loser, bakit di ka pa nagwawarm up dyan?"

Maka Loser naman oh.

"Ehh tinatamad ako..."

Saka ako nahiga sa malambot na upuan. Nasa gymnasium pala kami ngayon.

"Come on!"

Sigaw nito saka ako hinila patayo at hila hila ang kwelyo ko habang nagsisimulang tumakbo.

"Urghhhh ayoko sabi ehh."

Reklamo ko.

"Luna! Look at your limbs! kailangan mo to... Halika na!"

Wala akong nagawa kundi tumakbo na rin sa tabi niya.

Hanggang sa sumipol na si Prof at sinabing magsisimula na ang game.

"Okay! Blue team versus Red team!"

Kasali ako sa red team at si Sabrina, kasama din si Jazmine, Irene at Ava. Sa kabilang team naman sina Naomi, Athena, Trisha, Sophia.

30 kami sa isang section kaya naman merong 15 members and kada isang team.

Dahil lima lima lang sa bawat laro ay nahati kami para sa tatlong quarter. Nasa ikalawang quarter ako at si Sabrina kasali sa first five.

Maya maya ay nagulat ako nang makitang may ibang section na nanunuod ngayon. Yung iba may kanya kanyang team na nilalaban. Nakakatuwa kasi parang totoong laro talaga.

Loser's club Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon