Chapter 72

686 58 8
                                    

(Rated SPG, strictly prohibited for minor ages: From 1 yr. old to 60 years old.) Charot.

Luna

Paggising ko napakapa ako sa tabi ko at napasimangot nang wala akong nakitang Sabrina sa tabi ko.

Di ko alam bakit naiinis ako.

Naiinis talaga ako.

Baka kasi hindi ka pinagbigyan kagabi....

Urghhhh... Nakakainis naman ehhh. Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ko sinimulan ehh. Ako lang naman yung nahihirapan.

Naalala ko mga ginawa ko kagabi nuh? Aware ako sa ginagawa ko.

Wala naman sana sa plano yun kaso hinalikan niya ako. Tapos may epekto pa ako ng alak. Syempre anong inaasahan niyong mangyayari??

Ewan ko nakakainis.

Napatayo na lang ako saka nagsuot ng bagong t-shirt at short, pagkatapos ay naghilamos at nagsipilyo.

Padabog kong tinapon ang toothbrush sa lababo saka padabog ring binuksan ang pinto.

At sakto paglabas ko ay siya ring pagpasok niya na kaagad na napatingin sa akin.

Dumiretso ako sa bag ko na hindi siya kinakausap saka hinalungkat ito.

"What?? Ikaw pa tong galit?? Iinom inom ka tapos hindi mo naman pala kaya."

Nasermonan pa ako.

Hindi na lang ako umimik.

Dahil Ayoko sa lahat ng magkakasagutan kami.

"Bakit ka ba nagagalit??? Kasi hindi kita napagbigyan sa gusto mo???"

"That is so immature Luna. Para rin naman yun sayo."

Sabi niya bago muling umalis at iniwan ako rito sa kwarto.

Wow Luna, ang galing mo.

Gaga ka...

Inaamin ko na.... Mali ako sa part na yun...

Ilang minuto pa akong nag-isip isip bago ko napagpasyahang lumabas na.

Tinungo ko kung nasaan sila at hinanap ng mga mata ko kung nasaan siya, katabi siya nina Irene at halatang ayaw akong makita.

Napatingin ako kay Rys at Jazmine na pasimpleng tinatawanan ako kaya inirapan ko na lang sila.

"Mission failed??"

Salubong ni Eggy sa akin, saka ako tumango at bagsak ang balikat na naupo sa tabi nila.

"Babe!! Swimming lang kami ahhh!!!'

Paalam ni Athena kay Rys.

"Sige, wag kayo masyado sa malalim!"

"Galit siya sakin."

Sabi ko.

"Ano kasing ginawa mo?? Kagabi pa yun nakasimangot ehh."

Hindi na lang ako umimik saka napatingin kung nasaan sila.

Nakaupo kami sa ilalim ng puno sa baybayin kaya tanaw namin sila mula rito.

"Let's swim."

Blangko ang mukhang yaya ni Naomi kay Eggy.

Kala mo napalitan lang ehh

"Say please muna."

Pang-aasar ni Eggy sa kanya na sinamaan lang siya ng tingin.

"I gotta go."

Loser's club Where stories live. Discover now