Chapter 77

595 48 6
                                    

Luna

Tulala akong nakasandal sa lababo namin habang iniikot-ikot ang sponge sa plato na kanina ko pa sinasabon.

Oo alam ko naman na balisa ako. Sa kadahilanang hindi ko alam ang gagawin.

Ito kasi yun, kagabi diba pumunta ako sa bahay nila at kinausap niya ako ng masinsinan.

Gusto niyang samahan ko si Sabrina sa China, binigyan niya ako ng tatlong buwan upang pag-isipan at ngayon pa lang naguguluhan na ako.

Lalo na't ngayon nakikita ko sina mama. Papano kapag umalis ako?

Pangalawa ako sa makakapagtapos na sa aming magkakapatid at kaming dalawa ni Kuya ngayon ang may kakayanang makatulong sa kanila Papa.

Kapag sumama ako kay Sabrina, hindi ko sigurado kung anong klaseng buhay ang mararanasan ko roon.

Kapag hindi naman ako sumama hindi ko rin alam ang mangyayari sa aming dalawa ni Sabrina.

Ayoko namang ako ang maging dahilan kung bakit hindi niya gagawin ang obligasyon niya.

Sa ngayon, parang dalawang pamilya ang nakasalalay sa magiging desisyon ko.

Napabuntong hininga na lang talaga ako.

"Nak? Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Papa na nasa likuran ko na pala at saka niya ako niyakap.

"Okay lang po ako Pa."

Sagot ko.

"Talaga ba? Eh mapupudpod na yang plato sa kakasabon mo."

Doon ko lang naalala na kanina ko pa nga pala sinasabon ito.

"Nag-away ba kayo ni Sabrina?"

Umiling naman ako bilang tugon.

"Okay kami Papa, may iniisip lang talaga ako. Kasi..."

"May dalawang bagay akong kailangan pagpilian at pareho silang importante sa akin. "

"Ano pong gagawin ko Pa?"

Sabi ko saka isinandal ako ulo ko sa dibdib niya. May katangkaran rin kasi itong si Papa at kahit may edad na ay may matipuno paring pangangatawan, yung tipong halata mong batak sa trabaho.

"Hindi nga talaga madaling pumili, kailangan mong pag-isipan ng mabuti dahil ang bawat desisyon ay may kanya kanyang resulta."

"Pero... Masasabi kong... Mas mahalaga ay kung alin talaga ang gusto mo. Yung pati yung puso mo ito ang pinipili. Pero hindi porke hindi mo pinili yung isa ay hindi na ito importante."

"Dahil kung hindi, hindi ba sa una pa lang hindi ka na dapat nahihirapan kasi alam mo na kung alin ang mas importante sayo."




Hindi naging payapa ang gabi ko, para akong tangang nakatitig sa kisame ng aming bahay.

Nga pala, hindi na kami na katira sa Squater's area ngayon, nakahanap kami ng bahay na pinauupahan.

Hindi naman ito kalakihan pero kasya kaming lahat at ako lamang ang may sariling kwarto dahil nga sa nag-iisa akong babae.

Kahit papano ay sementado ito at may maayos na bubungan.

"Ate."

Tawag ni Tonton na kapansin pansing tumagkad na at nagbibinata.

Pero kahit na malaki na siya ay napalambing parin.

"Bakit?"

Tanong ko saka napaupo sa maliit kong kama.

Loser's club Where stories live. Discover now