chapter 93

572 46 10
                                    

Luna

"Ma."

Tawag ko pagkapasok ko ng bahay.

"Anak."

Sinalubong niya ako ng yakap saka ako napangiti kay Lola na nakaupo sa sofa at saka ako nagmano at humalik sa kanyang pisngi.

"Apo, naku... Mukhang pagod na pagod ka ah. Gusto mo ba ng kape?"

Napatango naman ako.

Gustong gusto niya kasi yung pinagtitimpla kami ng kape. Tsaka gusto ko rin talaga yung kape ni Lola.

"Ma gusto mo raw akong makausap?"

Tanong ko saka naupo.

"Ah oo nga pala anak, eh kasi hindi ba tag ulan na ngayon. Magpapatanim na ang lolo't lola mo sa palayan. Eh kaso ayoko naman na na sila ang uuwi. Kaya naisip ko na kung pwede ikaw na lang ang mamahala sa pagpapatanim doon."

"Pero yun ay kung pwede naman anak. Hindi kasi pwede ang mga kuya mo."

Napatango naman ako.

"Walang problema ma. Magpafile lang muna po ako ng leave."

"Hindi ba nakakaabala nak?"

"Hindi po. Tsaka matagal tagal na rin po simula nung nagbakasyon ako."

Sabi ko.

"Oh sige anak... Makakasama mo naman ang mga pinsan mo dun at ang tito mo."

"Opo ma."

Magandang balita yun, dahil sa wakas ay may dahilan na ako para mag file leave.

Pagkatapos kong dumaan sa bahay ay dumiretso na ako sa opisina at tinungo ang opisina ni tito upang magpaalam at papirmahan ang leave ko.

Wala namang naging problema.

Kinabukasan maaga akong nagising upang maghanda na sa mga dadalhin ko dahil dalawang linggo ako roon.

Finally, magkakaroon na din ako ng peace of mind. Napakagulo kasi ng mga nakaraang araw ko.

Alam niyo naman kung bakit.

Hanggang ngayon hindi ko parin kinakausap si Sabrina.

Hindi sa ayaw ko. Ayoko lang muna ng gulo.

I was okay, I was doing okay... Nung una si China lang yung pinoproblema ko, ngayon dumagdag na.

Salamat nga sa diyos at kahit papano naiba si Gwen.

Hindi niya na ako masyado ginugulo. Sa katunayan nga, siya ang laging nandyan para ilayo ako sa dalawa.

Hindi sa paraang inaangkin ako.

Minsan nga napapaisip ako. Kung posible kayang magustuhan ko rin siya.

Hindi ko na sinasarado ang posibilidad na yun. Basta sumasabay lang ako sa agos ng hangin.

Pero sa ngayon gusto ko munang mapag-isa.

Sabrina


It's been three days since I last talked to her.

And now I'm at her parents house.

Pinag-iisipan kung anong sasabihin ko sa harap nila.

I'm not doing this to get her back. Naisip ko kasi that I should atleast have some decency in me and apologize for hurting their beloved only daughter.

Napahinga ako ng malalim as I stepped out my car.

So this is the house that she built for them huh.

Loser's club Where stories live. Discover now