Chapter 73

643 55 11
                                    

Luna





Alas singko na nang magising ako sa tabi niya. Napangiti ako nang masilayan ang maamo at napakaganda niyang mukha.

Mahimbing parin ang pagkakatulog niya kaya dahan dahan akong tumayo at umalis ng kama.

Matapos isuot ang damit ko ay muli akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya habang inaayos ang kumot sa katawan niya.

"Ganda ganda mo...."

Bulong ko saka siya hinalikan sa noo.

"Alis na muna ako ha??"

Sabi ko na akala mo'y naririnig ako nito kahit tulog..

Nagmadali ako sa pag-alis dala ang mga gamit ko papunta sa sarili naming dorm...

Pagbukas ko ng pinto nadatnan ko si Rys na nakaupo sa kama at himihikab.

"Teka? Akala ko dun ka kay Athena natulog??"

Tanong ko rito na nakasimangot.

Pero imbes na sumagot ay tumayo lang ito at kumuha ng damit at tuwalya niya.

"Sabay na tayo."

Sabi ko saka rin kinuha ang gamit ko pagligo at uniform.

"Ewww ayoko nga."

Sabi nito na nandidiring tumingin sakin.

"Tanga, sabay tayo pagpunta dun hindi literal na sasabay sa pagligo. Utak mo."

Sabi ko saka siya kinurot.

"Aray..."

Reklamo niya habang pababa kami ng hagdan.

"Nag-away nanaman ba kayo???"

Tanong ko rito mula sa kabilang cubicle.

Tanging tunog lang ng shower at pagpatak ng tubig sa semento ang maririnig sa buong lugar.

Wala na kasing masyadong gumagamit dahil nga sa karamihan na nandirito parin sa academy ay mga seniors at graduating students.

"Ewan ko, mahal na mahal ko siya. Pero di ko alam bakit palagi kaming nag-aaway."

Sagot niya.

"Tsaka kadalasan sa maliliit na bagay lang kami hindi magkaintindihan."

Dagdag niya pa.

Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.



"Ang totoo natatakot ako na baka... Hay! ayokong isipin kasi ayaw ko namang umabot kami sa ganong punto. Minsan kasi talaga hindi ko mapigilan ang temper ko."


Tama siya, napakababa kasi talaga ng pasensya niya sa mga bagay bagay. Madali siyang mainis at magalit. Kapag ganun, kadalasan may mga sinasabi siya na hindi niya dapat sinabi at kapag humupa na yung inis at galit niya doon niya na lang marerealize na mali yung mga sinabi niya.

Kilala namin si Athena, napakasensitive niyang tao kaya kapag nasasabihan siya ng masasakit na salita talagang dinaramdam niya.

Kaya siguro madalas silang mag-away.

"Di mo ba pwedeng habaan pa yang pasensya mo? Alam mo naman si Athena sensitive siyang tao."

Sabi ko, saglit siyang natahimik saka nagbuntong hininga.

"Yun nga ehh, nahihirapan akong magpigil ng inis minsan."

"Bakit di niyo pag-usapan??? Yung mahinahon... Yung walang nagtataas ng boses. Pakinggan mo siya at papakinggan ka rin niya."

Loser's club Where stories live. Discover now