Chapter 10

1.3K 96 20
                                    




Rys






Grabe ang laki talaga ng school na to. Sobra sa isang linggo na kaming nandidito pero hindi ko parin mamemorize ang pasikot-sikot.

Wala si Luna. May experiment daw silang gagawin ehh kasama mga bago raw niyang friends na Elite.

Ang totoo, hindi ko inaasahan yun. Dahil nga sa iba sa kanila si Luna pero nagulat ako nang ikwento niyang merong nakikipagkaibigan sa kanya.

Yun raw yung estudyanteng sumalubong sa amin noon noong unang araw niya sa Elite.

Masaya ako kasi kahit papano kampante ako na hindi nag-iisa ang kaibigan ko. Pero kilala ko si Luna, siya yung tipo ng taong kayang tumayo sa mga sarili niyang paa kaya naniniwala akong kakayanin niya.

Naglalakad lang ako ngayon, namamasyal sa school. Ewan ko, gusto ko lang imemorize to tsaka baka makadiskubre ako ng lugar rito na hindi ko pa napupuntahan.

Sa kakalakad ko ay nakarating ako sa i nfirmary ng school. Grabe ang laki. Mukha na tong municipal clinic eh. Mas maganda pa nga.

Tuluyan na akong pumasok saka kumatok at wala namang sumagot kaya pumasok na ako.

"Wahhh ganda naman... "



Tinungo ko ang pinakadulong pasilyo at namangha nang makita ang kompletong gamit sa panggagamot.

Kung meron silang ganito, ibig sabihin may doktor rito. Ang sarap palang maaksidente rito. Haha.

Tuloy pa sana ako sa pagsisinista nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at sa taranta ko ay napaupo ako sa kama saka di alam ang gagawing tumalukbong ng kumot.

"Excuse me??? uhmmm are you okay?"

Rinig kong tanong ng isang babae kaya naman dahan dahan kong ibinaba ang kumot hanggang sa aking leeg.

At natameme na lamang ako sa ganda ng babaeng nasa harap ko.

Nahihiya niyang inipit ang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tenga at ako heto medyo natulala.

"uhhmm Hi. Are you okay? wala kasi si Doc. Lucy ngayon kaya ako muna nandito..."

Dun lang ako natauhan... ay oo nga pala. Clinic nga pala to.

Ang weird kung sasabihin kong... "ahh wala... nakikitambay lang..."

" ahh oo... kasi medyo masakit ulo ko. Dito oh... tsaka dito..."

Turo ko sa sentido ko saka sa puso ko na ikinatawa niya.

Okay inaamin ko na... maganda talaga siya. Wala akong mapipintas.

Doon ko lang napansin na sa loob ng puting damit ay nakasuot siya ng uniform ng Elite.

"You're silly... I think I can mend your headache but not your heartache... pero kung seryoso ka dapat magpatingin ka na sa professionals."

Worried na sabi niya kaya naman natawa ako.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinisimulan niya akong icheck.

"May I know your temperature first."

Tumango naman ako saka nilagay ang thermometer sa kili-kili ko.

Ewan ko lang ah. Ang sarap titigan ng mukha niya.

Siguro ay naiilang siya sa ginagawa ko kaya naman naiilang lang itong umiwas sa titig ko. Hindi ko itatangging natutuwa ako na may epekto ako sa kanya.

Loser's club Where stories live. Discover now