Chapter 81

530 47 20
                                    

Luna

"Hey baôbei."

Tawag sa akin ni Sabrina habang nakaupo sa tabi ko at kanina pa hawak ang cellphone niya

Ako naman ay nakaupo lang din at nanunuod ng t.v.

Andito kasi ako sa kanila, wala lang nakikitambay.

Nakadantay ang dalawa niyang hita sa lap ko.

"Mmm?"

.sagot ko habang tutok parin sa pinapanuod ko.

"I think Tina and Rys broke up."

Kaagad naman akong napatingin sa kanya.

"Look."

Tinapat niya sakin ang cellphone niya at nandun ang wall ni Athena.

Naka single status na. Tapos nagpalit ng bagong cover photo na siya lang pati DP.

"Ha? Ang alam ko cool off lang sila eh. Ano ba nangyayari sa dalawang yun?"

Tanong ko saka siya nagkibit balikat.

"Don't mind them, let them figure it out themselves."

"Di ba natin sila kakausapin?"

Tanong ko.

"Luna, matatanda na sila. We should be minding our own life from now on."

"Pero bestfriend natin sila pareho."

Sagot ko saka siya napairal sakin.

"Fine. You go talk to your bestfriend, I'll go talk to mine. Happy?"

Napangiti naman ako saka hinalikan ang kamay niya.

Matapos nga nun ay nagpaalam na ako. Siya rin naman ay aalis din para puntahan si Athena.

"Hello?"

"Jaz, may balita ka ba kay Athena tsaka kay Rys?"

Tanong ko mula sa cellphone ko.

"Oh yeah, I heard they broke up."

"So, totoo nga."

Sagot ko.

"Pupuntahan ko siya, gusto mo ba sumama?"

"Sure. Daanan mo na lang ako."

Pagkatapos ay tinago ko na ang cellphone ko, baka masita ako ng traffic enforcer ehh nagmamaneho ako habang may kausap.

Pagdating sa bahay nina Jaz nagtext ako kaagad na nasa labas na ako.

Naupo muna ako sa hagdan sa tapat ng bahay nila nang may babaeng lumabas.

May bitbit siyang bag na mukhang mamahalin habang sobrang pormal ng porma niya.

Matangkad siya tsaka napaka- feminine kung gumalaw.

"Kaibigan ka ba ni Jazmine?"

Seryoso nitong tanong. Mukha siyang mataray actually.

"Ah opo opo."

Sagot ko saka tumayo.

"Bakit di ka pumasok?"

Tanong niya.

"Ay wag na ho, aalis din naman po kami kaagad."

Sagot ko.

"Ok. Ingat kayo."

Paalis na sana siya nang bumukas na rin ang pinto at lumabas mula roon si Jazmine na nung makita ito ay kaagad na sumimangot.

Napalitan yun ng pagkailang saka ako hinila paalis.

Loser's club Where stories live. Discover now