Chapter 65

827 57 5
                                    

Luna

"Hey wait for me!!!!"

Sigaw ni Athena nang makababa kami sa bus na sinakyan namin papunta sa Saint Brent.

Bitbit ko ang bag ko at sa kabilang kamay naman ang sling bag ng girlfriend ko.

Napangiti tuloy ako, ang sarap para isipin yin nuh.

Kinikilig ako.

Hahahaha.

Kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay lukot ang mukha. Kakagising pa lang kasi eh.

Pero ang ganda padin. Hay.

Ganun din ang hiya ko nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Shocks nemen, ang gende gende.

"What?"

Tanong niya saka ako kinikilig na parang ewan na umiling.

"Babe, dalian mo. Bakit kasi andami mong dala eh."

Reklamo ni Rys saka kinuha ang dalawang bag ni Athena.

"Hmp. Galit ka?"

Nakanguso nitong sabi na ikinatawa namin.

Napaka childish niya kasi kay Rys, na ngayon ay napangiti na lang saka hinalikan sa noo si Athena.

"Hindi naman. Sorry. Lika na."

Sabi nito saka hinila si Athena palapit sa kanya.

Lahat kami ay napatingin sa huling taong bumaba at si Naomi yun.

Walang ekspresyon ang mukha habang nakasuot ng sunglass.

"Let's go na. Kompleto ba lahat????"

Tanong ni Ms. Che na siyang in charge sa amin.

"Yes maam."

Sigaw namin.

"Just a reminder! Pwede bang maging friendly ang lahat???? Wag niyo muna pairalin yang pagiging ma-attitude niyo dito ha??? Be responsible! Okay! Chop! Chop!"

Medyo natawa kami sa sinabi niya. Tama naman eh. Alam niyo naman ang mga estudyante sa academy.

Mga natural na ma-attitude, gaya nitong katabi ko.

"Okay ka lang? Gusto mo ba tubig?"

Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya habang kunot noo.

Mainit ata ulo.

"I'm hungry."

Reklamo niya.

"Oo, punta lang tayo sa kwarto natin tapos kakain na tayo."

Nakangiti kong sabi saka hinalikan ang kamay niyang hawak ko na ikinangiti niya.

"Okay."

Matamis ang ngiting sabi niya.

Konting tour muna kami at pagkatapos ay ihinatid na kami sa aming mga kwarto.

Pero hiwalay kami ni Sabrina dahil magkakasama sa kwarto ang bawat team.

Yung mga hindi naman kasali ay pwede umuwi. Pero sina Athena kumuha ata ng kwarto sa isang hotel malapit dito.

"Puntahan na lang kita sa kwarto mo."

Tumango naman siya saka ko binigay sa kanya ang bag niya.

"Taralets Luna."

Yaya ni Rys.

Habang papunta sa kwarto namin ay doon ko lang napansin na ang dami palang estudyante ng university na nasa labas.

Yung ilan sa kanila nakikipagngitian at bumabati kaya ganun din kami.

Loser's club Where stories live. Discover now