Chapter 55

1K 79 3
                                    

Luna

"See you tomorrow, goodbye class."

Paalam ng aming propesor na kinagagalak naming lahat.

Sobrang dami nanamang gawaing binigay sa amin.

Nang makalabas na siya ay lahat kami nagsihanda na rin sa pag-uwi. Pero ako naupo parin ako sa upuan ko.

Hanggang ngayon kasi nagtataka pa ako kung anong nangyari kay Naomi.

Kahit naman palagi kaming nag-aaway noon, nag-aalala parin ako.

Nagulat ako nang may biglang bumulong sa tenga ko.

"Hey."

"Diyos ko naman Sabrina! ginulat mo ako."

Tumawa lang siya saka prenteng naupo sa katabi kong upuan saka nangalumbaba sa ibabaw ng desk.

"Kanina pa kitang tinitingnan... maghapaon kang tulala... is there something bothering you???"

Saglit akong natahimik habang iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya.

Pero siguro pwede naman. Hindi naman siya yung tipong ngsasabi sa iba eh.

"Kahapon kasi niyaya ako ni Naomi uminom--"

"What!? may ginawa ba siya sayo!?"

-_- wala la nga eh.

"Kalma ka nga... wala siyang ginawa... pero... nalasing kasi kami... tapos may sumundo sa kanyang babae habang ako naiwan sa kotse niya."

"Oh? wait nalasing ka? are you crazy? what if something bad happened to you nang dahil sa kalasingan mo?"

Teka bakit ba siya nagagalit? eh maayos naman akong nakauwi ah? kausap niya pa nga ako eh.

"Pwede mamaya mo na ako pagalitan???"

Sabi ko saka siya umirap at tumango.

"So what was it?"

Tanong niya.

"Sabi ko nga may sumundo sa kanyang babae... hindi ko nakilala... nag-aalala lang ako kung anong nangyari sa kanya... tsaka ano..."

"Ano??"

Tanong niya.

"Yung babae... nagtataka ako kung sino yung babae."

Sabi ko.

"And also... hindi siya pumasok ngayon... she's not the type to do so."

Dagdag niya na kinahinga ko ng malalim. Buti naman naiintindihan niya ang sinasabi ko.

"Gusto ko siyang makausap..."

Sabi ko.   

Ilang sandali kaming tahimik matapos nun. Pero yun yung katahimikan na hindi nakakailang.

Napatingin ako sa kanya na siyang nakatingin rin sa akin saka kami nagkangitian na parang nga baliw.

Hindi ko din alam bakit ako nakangiti.

Walang imik na tumayo siya pero ikinabigla ko nang maupo siya sa mga hita ko't nakaharap sa akin.

"H-Hoy sira ka ba!!"

"Shh! relax! It's not like I'm gonna rape you or something. I just want to cuddle."

Tumatawa niyang sabi saka ako niyakap.

Kaya wala akong nagawa kundi huminga ng malalim at hayaan siya.

Bakit pa ba ako lalaban eh ayaw naman paawat nito?

Loser's club Where stories live. Discover now