Chapter 44

941 62 5
                                    

Athena


Di ko na mabilang kung ilang beses akong nagtanong sa sarili ko ng what the fuck is happening???

First, Luna and Naomi became normal people. Simula nung gabing yun, I've never seen them flash death glares at each other.

And now...

Sabrina is acting different around Naomi now. Hindi na tulad nung dati na laging nagtataray o nagmamaldita.

Kapag binabati siya ni Naomi she would just nod...and when she was partnered to Naomi sa isang project, she did not complain.

So, I finally decided to talk to Sabby.

She said, nung monday. Nagkaroon sila ng confrontation ni Naomi.

And guess what? Naomi actually apologized... at isa pa...

Magbabago na raw siya.

I know it's a good news but me and Rys are both in doubt on this.

Ang dali lang ng lahat diba?? parang kahapon lang nagbugbugan yung dalawa tapos bigla okay na ang lahat?

Diba? Diba? kahit kayo siguro di makapaniwala.

That's why, me and Rys decided to observe Naomi. We need to make sure she's not planning anything crazy again.





Dating parin ang status nina Luna at China. Luna said that China invited her sa weekend to meet her parents.

I know, wala kaming kinalaman sa kanilang dalawa. But we're just worried that Luna might not be comfortable with the idea.

Rys said that Luna never thought about those things yet kasi nga focused lang siya sa pag-aaral niya.

And also we all know Luna might have feelings towards Sabrina too. Pero baka hindi niya pa yun marealize sa sarili niya. What if pag dumating yung time na alam niya na, huli na ang lahat?

Nag-aalala kami pareho ni Rys sa dalawa since they both have the same complicated situation.

and what's bothering me too is that Sabrina used to like Naomi, back when we were teenagers.

Oo tama. Sabrina always say how much she hates Naomi but before all of this... Sabrina once had the same feelings with Naomi.

Nagbago lang ang lahat nung nagsimulang maparanoid si Naomi. Nung nalaman ni Sabrina ang pinaggagawa niya, doon nagsimula ang lahat.

Sabrina's love for her faded hanggang sa wala nang natira.

And if Naomi started to change, there's a big chance na muling magkagusto sa kanya si Sabrina.

Pero baka nag-ooverthink lang ako? oh my god! I need to stop.

This is not healthy.

"Babe?"

Oh that familiar voice.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang mga bisig niyang yumakap mula sa balikat ko habang inaamoy-amoy niya ang buhok ko.

"Andito ka nanaman... buti na lang alam ko kung saan ka hahanapin."

Nandito kasi ako sa lumang field.

"Urhhh babe... I can't help it... I'm overthinking."

"Kailan ka ba di nag-overthink ha? hobby mo na ata yan ehh. Anyway... I'm here to listen... anong problema???"

Napatingala ako sa kanya.

"Si Luna at Sabrina nanaman ba??"

Tanong niya saka ako tumango.

"Hmm ako din napapaisip rin ako... gusto ko kausapin ng masinsinan sana si Luna kaso hindi ko alam kung papano."

I can't help but smile thinking how similar our situation is. It's so nice to have her with me.

"Anong nginingiti mo dyan babe? manghang mangha ka nanaman sa kagandahan ko..."

I can't help it. I need to kiss her right away.

"Para saan yun??"

She asked while smiling.

"Nothing... gusto ko lang bakit ba??"



"Diba sinabi ko naman sayo wag na wag mong gagawin yan ng walang paalam?"

I laughed when she said that.

"Kasi tingnan mo oh, may mga naglalaro na sa isip ko na gusto kong gawin sayo."


"ANNE!!!"

Tumatawa kong sigaw habang pinapalo siya.

"Eh ikaw ehh.. pasalamat ka kahit papano behave ako... tsaka hindi naman kita pipilitin kung di ka pa ready."

That reminds me. We never talk about that thing.

"But do you want to?"

She suddenly looked flustered.

"Uhmmm Oo? Syempre girlfriend kita at mahal na mahal kita... di naman maiiwasan yun. Pero syempre hindi porke girlfriend kita kailangan mo yun ibigay sakin. Kasi di naman yun ang dahilan kung bakit tayo nasa isang relasyon."



Napangiti ako then hugged her. I never was wrong for loving this woman.

"I'm so proud of you babe... I love you so much..."

Sabi ko habang hawak ang dalawang pisngi niya. Squeezing them.

"I love you as much Athena... Someday papakasalan kita."

Parang baliw akong kinikilig habang nakayakap sa kanya.

Sino ba namang hindi kikiligin?? ehhh!

"Parang sira! kaya mag-aral ka ng mabuti ha at magpapakabait ka."


"Opo madam."

Sagot niya.

"I wonder what would we be someday?"

Hindi ko maiwasang mapaisip habang nakasandal sa dibdib niya.

"Basta sure na ako na tayo na habang buhay. Ewan ko lang dun sa dalawa."

We both laughed at that.

"We never know." I said.

"Ang gusto ko lang maging masaya tayong lahat." She said.



Indeed.






















Loser's club Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon