Chapter 69

744 57 8
                                    












Three years later.......







Luna

Ang bilis ng taon, parang kahapon lang batang uhugin pa lang kami na pumasok dito sa academy, pero ngayon naghahanda na kami para sa aming nalalapit na pagtatapos.

Grabe ang pinagdaanan naming lahat, halos maubos na ang kilay namin sa kakaaral.

Pero sa loob ng mga taon na yun hindi naman maikakaila na marami kaming masasayang araw na pinagdaanan.

Mga pangyayari na mas lalong nagpatibay sa aming pagkakaibigan.

Masaya akong ipaalam na hanggang ngayon kami parin ni Sabrina.
Nakakapagtaka nga, parang kahapon lang nung muntik niya akong mabangga sa daan.

Ang laki na rin ng pinagbago naming dalawa pagdating sa aming relasyon.

Naging mas responsable at matured na mga tao na kami. Kasama ko siya sa lahat ng bagay. Sumusuporta sa isa't-isa.

Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin akalain na mayroong taong tanggap ako kung ano lang ang meron ako.

Isa siya sa mga taong naghubog sa akin at higit na nagpapasalamat ako doon.

Mahal na mahal ko siya at wala na akong nakikitang makakasama pang iba kundi siya.

Gusto kong matupad ang mga pangarap ko na kasama siya.

Sana lang walang maging hadlang sa pangarap kong yun.

Tungkol naman sa mga kaibigan namin.

Si Rys at Athena, tulad namin sila parin.

Si Jazmine at Irene naman matalik na magkaibigan parin, pero yung pagiging mahigpit ni Jazmine kay Irene mas lalo atang lumala ngayon.

Palagi sa aking sinasabi ni Sabrina na baka raw ay higit pa sa pagkakaibigan meron ang dalawa.

Pero kung totoo man o hindi, andito lang kami para sa kanila.

Si Naomi???

Ganun parin, napakasama parin ng ugali. Pero alam niyo? Natutunan ko na rin siyang mahalin bilang kaibigan.

Palagi niya ba naman kasi akong niyayayang uminom. Sa loob ng tatlong taon na yun, ang dami ko nang natutunan sa kanya.

Sa tingin ko sa kabila ng matigas niyang pagkatao nakatago ang pagiging mabuti niya. Hindi nga lang sa alam nating paraan.

Kaya hindi dapat tayo humuhusga sa mga nakikita natin sa panlabas ng tao.


"Hey can you pass me the pen?"

"Luna..."

Bigla kong naramdaman ang pagdampi ng malalambot niyang labi sa pisngi ko kaya naman napatingin ako sa kanya habang may pagtatanong sa aking mga mata.

"Tulala ka kasi, sabi ko pass me the pen."

Pareho kaming natawa pagkatapos saka ko sa kanya inabot ang ballpen.

May ginagawa kasi siya ngayon at nandito lang ako sa tabi niya nakatunganga. Kasalukuyan kaming nakatambay ngayon sa library.

"Para saan ba yan?"

Tanong ko saka isinandal ang baba ko sa balikat niya. Hilig ko kasing singhutin amoy niya.

Bango kasi ehh.

"Luna, nakakakiliti stop it."

Saway niya saka ako kinurot sa hita.

"Hmp damot. Nakikiamoy lang eh."

Loser's club Where stories live. Discover now