Chapter 13

1.2K 77 3
                                    

Luna

Kanina pa ako nililibot ni Sabrina sa mall niya.

Oo sa kanya talaga to.

Alam ko hindi kapani-paniwala pero Oo sa kanya nga.

Nangangalay na paa ko sa kakalakad at kanina pa ako dighay ng dighay sa kakakain.

Simula nung ginawa ko ang deal medyo naging okay na kami.

Bakit medyo?

Kasi may mga oras pa din na nagbabangayan kami. Siguro di na mawawala yun.

Natutuwa rin ako kasi mukhang mabait naman pala siya. May pagkamaldita lang talaga.

Di nga ako makapaniwala na siya pa ang unang lumapit sa akin kanina. Inakala niya pang boyfriend ko si Kuya Ronnie na talagang nakakatawa.

"Pwede bang maupo muna tayo? pagod na ako eh."

Reklamo ko saka naupo sa bench.

"No more energy? granny??"

Pang-aasar niya.

"Tsk. Talagang hyper ka lang."

Tumayo na ako ngunit nang makaangat ng tingin ay natanaw ko sa di kalayuan ang taong hindi ko dapat makita.

Kaagad kong hinila si Sabrina saka kami nagtago sa gilid.

"Hey, what is it?"

Nagtataka niyang sabi habang hinahanap kung sino ang tinitignan ko.

"Wala, halika na."

Madaliang sabi ko saka siya hinila.

Habang nakatingin ako sa likuran ay malas pang lumingon silang dalawa saka ako nakita.

Kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggang sa makarating kami ng parking lot.

"Luna ano ba! bat ka ba tumatakbo---"

"Shhh! wag kang maingay."

Sabi ko saka siya iginilid sa pader sa tabi ng isang kotse upang makapagtago

Maya maya pa nakita ko na ang dalawang naglalakad sa parking lot habang palinga-palinga.

"Pare baka di naman sya."

"Ano ba pare. Sigurado ako siya yun. "

Napatingin ako kay Sabrina na ngayon ay natatakpan ng kamay ko ang bibig.

"Baka nakalabas na. Tara."

Sabi ni Rico.

"Sige."

Sagot ni Marco.

Bakit ba dito pa nila ako nakita. Kung kailan may kasama ako.

Matagal-tagal na rin kasi simula nung bumisita ako. Baka hinahanap na ako ni Philip.

Kailangan ko na sigurong magpakita saglit para hindi niya isiping di na ako tumutupad sa usapan.

Nang masigurado ko nang wala na sila ay saka ko tinanggal ang kamay ko sa bibig niya.

Nakatitig lang ako sa kanya saglit ngunit ngayon ko lang  naalalang sobrang lapit pala namin sa isa't-isa.

Kaya naman kaagad akong lumayo.

"Uwi na tayo."

Yaya ko.

"who are they? and why are you running away from them? bakit ka nila hinahanap???"

Loser's club Where stories live. Discover now