Chapter 51

924 70 12
                                    

Luna

Napakamot ako sa ulo ko habang nagsusulat. Sa sobra kasing dami ng tumatakbo sa isip ko hindi na ako makapag-isip ng maayos.

Kaya napahiga muna ako sa kama habang kagat kagat ang ballpen ko.

"Okay ka lang?"

Tanong sa akin ni Rys. Nandito siya, kaso yun nga. Kakatapos niya lang akong sermonan.

"Oo."

Sagot ko.

"Nabalitaan ko yung nangyari kanina. Sigurado ako may kinalaman nanaman si Naomi doon."

Hindi ako umimik saka bumalik sa pagkakaupo ko.

"Tama lang naman yun. Ang importante natapos ko na ang dapat matapos."

Sagot ko saka nagpatuloy sa pagsusulat ko.

"Luna, pwede ka naman mag open sa akin eh."

Sabi niya saka itinabi ang hawak niyang libro.

"Hindi, ano ka ba? problema ko to."

Nakangiti kong sagot saka muling ibinalik sa notebook ko ang tingin ko.

"Talaga? nang gaganyan ka na talaga? Luna... hindi porke may kasalanan ka ay dapat mo nang parusahan ang sarili mo. Yung ginawa nila sayo mali yun."

Hindi na lang ako umimik dahil ayoko nang magsalita pa.

Wala naman akong karapatang magreklamo dahil may kasalanan ako.

Hindi ko deserve si China at lalong lalo na si Sabrina.

Nasaktan ko si China at Sabrina. Kahit na gusto ko si Sabrina, sinong makakasigurado na hindi ko siya sasaktan tulad ng ginawa ko kay China?

Ayoko nang makasakit. Kaya gusto ko na lang tapusin ang lahat.

Nang wala na akong problema.

Mabuti pa nga si Naomi ehh. Kaya niyang ipaglaban ang nararamdaman niya kay Sabrina. Eh ako?

Hindi ko yun nagawa.

Naghintay pa akong may masaktang iba.

Kanina sa likod ng lumang field. Yung biglang pagdating ni Sabrina.

Sa kabila ng nangyari, nandun siya. Niyakap niya ako at sinabing mahal niya parin ako.

Inaamin ko, nung oras na yun. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Gustong-gusto ko yung yakap niya.

Pero hindi pwede.

Ayokong masaktan siya.

Hindi ako nararapat sa kanya. Ang nararapat sa kanya ay yung taong handang protektahan siya, yung kaya siyang ipaglaban at panindigan. Katulad ni Naomi.

Ilang ulit ko naman nang inisip to at sa palagay ko. Ito ang nararapat, upang maiwasan nang may masaktan pa akong iba.

Gustong gusto ko si Sabrina. Hindi maikakaila yun. Pero hangga't magulo ako. Baka masaktan ko lang siya.

Isa pa, nirerespeto ko ang pakikipaghiwalay ko kay China. Gusto ko munang bigyan kaming lahat ng oras.

Napatingin ako sa orasan ko at naalalang magkikita nga pala kami ni Sabrina ngayon.

Kaya niligpit ko na ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta?"

Tanong sa akin ni Rys.

"Dyan lang."

Sagot ko saka nagsuot ng jacket at sumbrero nito.

Hindi na ako nagpaalam at naglakad na lang palabas.

Loser's club Where stories live. Discover now