Chapter 26

969 62 7
                                    





Luna


Baliw na babae yun, hay naku. San na ba napunta yun??

Gutom na gutom na ako ehh. Bakit ngayon niya pa kailangang magtampo??

Siguro nasa dorm niya siya kaya inis akong naglalakad ngayon patungo doon.

Papaakyat na sana ako ng entrance nang mapansin kong si Naomi nakatayo sa tuktok ng hagdan habang nakatingin sa akin.

Dahil wala ako sa mood ay ako na lang ang umiwas ng tingin at balak sana siyang lagpasan nang harangin niya ako.

"I guess you know me."

Sabi nito na walang ekspresyon ang mukha at ganun din ako.

"Oo naman."

Simpleng sagot ko.

"Marami na ba syang nakwento sayo?? I hope it's all good things..."

Sabi nito habang nakangiti ngunit saglit lang yun.

Ano bang kailangan nito?? mukha kasi siyang naghahamon ng away.

"Pasensya na pero kailangan ko nang umalis."

"Don't leave yet.... I just wanna hang out..."

Sabi nito na ipinagtaka ko.

"Diretsuhin mo na lang ako."

Isang tawa naman ang ipinakawala nito saka lumapit sa akin at nagkunwaring inaayos ang kwelyo ng damit ko.

Matatalim ang mata nito ngunit nakaguhit ang peke nitong ngiti.

"You're brave... but I gotta warn you--"

Akala mo naman natatakot ako. Tsaka bakit ba galit siya sakin eh magkaibigan lang naman kami ni Sabrina. 

"Gawin mo na ang lahat nang gusto mo. Kung gusto mong makuha ang loob ni Sabrina, mag-isip ka ng ibang paraan. Kasi hindi gumagana yung ginagawa mo. Dahil imbes na magustuhan ka niya, lalo ka lang niyang kinamumuhian."

"Parang gago ka naman kasi manligaw."

Nakangisi kong sabi saka na umalis.

Bahala siya sa buhay niya. Nagugutom na ako ehh.

"Madrigal! come back here!!"

Sigaw niya pero tumatawa lang akong sumakay ng elevator upang hanapin yung babaeng napaka sensitive masyado.

Patungo na sana ako sa kwarto niya nang makita ko si Athena na papalabas sa kwarto niya.

Kaya natigilan ako saka siya tiningnan na nasurpresa ata. Kaso umiwas siya ng tingin saka nagpatuloy lang sa paglalakad.

Alam kong hindi ako dapat makialam sa problema nila, kaso pakialamera ako minsan eh.

"Saglit."

Pigil ko sa kanya habang hawak ko ang braso niya.

"Uhmm... Pwede ba tayo mag-usap?"

Saglit siyang napatitig sa akin na siguro ay binabasa kung ano ang nasa utak ko.

"Uhh nagmamadali kasi ako."

Sagot nito.

"Mamaya pwede ka?"

Muli ay nakatingin lang siya sa akin saka napahinga ng malalim.

"Sige... mamaya sa lumang field... meet me there at 8 pm."

Napatango ako saka ako ngumiti. Baka kasi iniisip niya na makikipag-away ako ehh.

Nakatingin parin ako sa kanya hanggang sa makapasok siya ng elevator.

Loser's club Where stories live. Discover now