Chapter 49

888 72 17
                                    





Luna




Naglalakad ako patungo sa kwarto ni China dahil nga susunduin ko siya.

Para nang nagtatambulan sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba. Bakit ba kasi hinayaan ko pang mangyari to.

Napahinga ako ng malalim saka kumatok.

Kaagad naman itong bumukas at bumungad sa akin ang masayang mukha ni China. Nakasuot pa siya ng napakagandang dress na bagay na bagay sa kanya.

Sobrang ganda niya. Hindi lang yun dahil napakabuti niya. Pero heto ako, nagbabadyang saktan siya.

"Oh bakit ganyan mukha mo? okay ka lang ba?"

Malambing niyang tanong sa akin saka ako pilit na ngumiti saka siya niyakap na mukhang ikinagulat niya.

"Bakit ka ganyan ah?"

Bulong niya sa akin habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko.

Hindi ko naman ito sinadya eh. Pero bakit kailangan maging ganto?

"Halika na, baka mahuli pa tayo sa fireworks display."

Yaya niya habang nakahawak siya sa mukha ko.

Tumango na lang ako habang hawak kamay naming tinahak ang daan palabas ng dorm.

Madilim na ang paligid at maraming estudyante ang nagkalat sa academy. Lahat ay abala sa magaganap na fireworks display.

"20 minutes na lang magsisimula na. Halika! dun tayo sa rooftop para kita natin."

Hinila niya ako patakbo patungo sa main building saka namin inakyat ang hagdan.

Hingal kami pareho nang marating ang rooftop saka tumambad sa akin ang Christmas lights at mga petals ng rosas sa sahig.

"T-Teka... China... ano to??"

Tanong ko sa kanyang nakatayo  lang habang nakangiti sa akin.

"Wala lang, naisip kong isurprise ka... busy ka kasi nung nakaraan kaya naisip ko to.."

Halos maiyak na ako, hindi sa saya kundi sa lungkot. Ni wala man lang siyang kaalam-alam. Sa kabila nang lahat nagawa niya pa to?

Naikagat ko na lang ang mga labi ko habang pinipigil ang mga luha ko sa pagtulo.

Kaso hindi ko kaya. Kaya napayuko na lang ako habang hinahayaan silang dumaloy sa pisngi ko.

"Luna?"

Tawag niya saka ko naramdaman ang maiinit niyang kamay na nakahawak sa mukha ko.

"Luna? bakit ka umiiyak??? may mali ba akong ginawa??"



Napailing na lang ako saka hinawakan ang mga kamay niya.

"C-China... sorry.... sorry..."

Hikbi ko.

"Shhh... shhh okay lang yun. Naiintindihan ko naman na busy ka. You don't have to apologize."


"Hindi... hindi... may kasalanan ako..."



"A-Akala ko... magagawa ko eh... pero hindi ko magawa..."

Kasabay ang paghikbi ko habang nagsasalita. Hindi ko nga alam kung naiintindihan niya ba ako.

"Hindi nagawa ang alin??"

Loser's club Where stories live. Discover now