Not an update

416 32 3
                                    


Confession





Two years ago, I met this group of friends na naging classmate ko ng college. I was irregular back then kaya di ko sila halos kaclose. Pero nagbago naman nung palagi ko na silang nakakasama. There was one of them na pinaka matanda sa kanila, they knew I was not straight btw. Itong si ate, kumbaga siya yung tipo na hindi mo maituturing na ate since siya yung promotor sa lahat ng kalokohan. She was married at may anak na isa. Yun na nga, naging close ko sila. Pero nagbago lahat nung nalaman nila na Lesbian ako. Tanggap naman nila pero di talaga maiiwasan na i-tease nila ako. Hindi naman yung nakakapikon, minsan nga natatawa lang ako. Tapos may nililink pa sila sakin na isa rin sa mga kaibigan nila. Kaso pihikan talaga ako. Tapos ito na yung experience ko na di ko malilimutan and it made a really big effect in me as a person now.

Hindi ako sanay sa skinship guys, di ako komportable na hinahawakan ako either it is a girl or a boy. Pero itong si Ate, napapansin ko panay hawak sa akin. Kung hindi sa bewang, sa binti kapag nakaupo kami at minsan inaakbayan ako.

Nung una hinayaan ko lang kasi baka malambing lang talaga siya, kaso umabot na sa point na may paghimas na. To someone like me na hindi komportable sa ganun, nakakatrauma talaga.

Hanggang sa minsan pag nag-uusap kami may nasisingit na siya na kamanyakan.

Sanay ako sa mga jokes na ganun pero di ko alam bat sa kanya diring diri ako.

Tapos ayun, dumating intrams namin syempre walang klase pero ako player ng volleyball para exempted na sa pag attendance.

Nagyaya siya kasama mga friends namin na iinom raw sa boarding house nila.

Ayoko sana pero pumayag na rin ako kasi marami naman kami.

Okay naman ang naging takbo ng inuman, medyo tinatamaan na ako kaya panay pass na ako. Ayoko talaga kasing nalalasing ng sobra. Pero yung iba naming kasama puros lasing na. Apat na lang ata kaming buhay pa. Si ate, ako, yung kaibigan ko na siyang pinakaclose ko sa kanila at yung kaibigan nila na nirereto nila sakin.



Syempre hilo na ako, naupo ako sa kama at dun na lang naglaro sa cellphone tapos sumunod yung isa ko pang kaibigan at nahiga sa likuran ko at natulog.

Yung isa naman na nirereto sakin nagpaalam magbabanyo raw. Kaya ang natira na lang  ako at si ate.

Wala naman kaming imikan busy din ako sa paglalaro eh. Pero hilong hilo na rin ako, hinihintay ko lang na sumuka ako para mawala yung kalasingan ko.

Maya maya lumapit siya at naupo sa tabi ko. Umusog lang ako ng konti para bigyan siya ng space pero nagulat ako kasi niyakap niya ako sabay sandal ng baba niya sa balikat ko.

Dahil nga sa hindi ako komportable pinipilit kong alisin kamay niya pero sobrang higpit nun kaya nagawa niya akong ihiga at umupo sa tiyan ko at hawak dalawang kamay ko.


Ito yung time na nanginginig na ako sa takot habang umiiyak. Hindi ko alam gagawin ko... Sinusubukan ko siyang ialis sa ibaba ko kaso nahihilo na rin ako, isa pa mabigat siya kasi may katabaan.

Eh kahit mas matangkad ako sa kanya eh payat lamang ako.

Dun ko napagtanto na kumpara sa aming dalawa ako yung mas lasing, kasi dilat na dilat yung mata niya. Walang bahid ng kalasingan.


Pero di ako nagpatalo.

Buong lakas ko siya na tinihaya gamit ang lakas ko sa bewan saka ako tumayo at tinulak siya sa semento.

Medyo napalakas yun. Siguro nahimasmasan siya sa ginawa ko at dali daling tumayo at lumabas.


Iyak ako ng iyak nun, naglalakad ako papunta sa sakayan dahil maaga pa naman. Nanginginig ako sa takot at galit.

Pagkauwi ko nun diretso yakap ako kay ate tsaka kinuwento yung nangyari. Syempre nagalit siya pero sinabi ko na lang na wag sabihin kina Papa. Kasi alam kong maghuhurumentado yun.

Dalawang araw akong absent nun at pagbalik ko, talagang nilakasan ko loob ko.

Pagpasok ko ng room nakita ko sila kaagad andun siya kasama ng iba. Niyayaya nila ako pero di ako lumapit. Simula nun di na ako sumama sa kanila.

Hinayaan ko na lang sila na isipin na maldita ako, basta ayoko na makalapit pa sa kanya. Kahit amoy niya nun nandidiri ako. Buti na lang talaga patapos na yung sem, at nabalitaan ko lumipat na siya ng schedule nag pang umaga na. Tapos di na rin nila nakakasama.


Para sabihin ko sa inyo, pangalawang beses ko nang naranasan ang ganun. Nung una sa dati kong manliligaw na lalake.

Kaya talagang sobrang iwas ako. Kaya puro bahay lang ako, kakaunti lang mga kaibigan ko at simula nun lumala yung pagiging sensitive ko sa mga paghahawak. Kahit mga naging jowa ko naiilang ako.

Gusto ko lang ishare kasi kahapon nagchat yung isa sa kanila at nangumusta. At napag usapan namin kung bakit ba ako biglang di na sumama sa kanila. Yun nga kinuwento ko, tapos yun pala napapansin na rin pala nila nung una pa lang may iba sa pakikitungo sa akin ni Ate Tin.

May aral din naman to, wag na wag kayong magtitiwala magbabae man o lalake. Kasi kahit ano pang kasarian yan magagawan at magagawan ka ng di maganda.


At kapag sa inyo to mangyari, please ipaalam niyo sa iba o kaya kung may pruweba o testigo kayo idulog niyo sa mga authority.

Kasi iba ang nagiging epekto nito sa biktima. Tulad ko.




Feel free to share yours too malay niyo gumaan loob niyo.

Loser's club Where stories live. Discover now