Chapter 85

595 64 73
                                    








Luna







Nung nagsimula kong makita ang mga senyales, hindi ko kaagad pinansin dahil baka maling akala lamang ako.

Masyado akong nabulag sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Natatakot akong baka nga tama ako pero ayokong isipin kaya pilit kong tinatatak sa isip ko na wala ang mga yon.

Pero sa loob ko, yung kutob ko ang paulit-ulit na magsasabi sa akin na baka nga totoo.

Nagsimula lang yun, nung mapansin kong hindi niya na suot palagi ang promise naming dalawa.

Ang cellphone niya, laging naka-off pag nasa bahay na siya at minsan nakatago.

Palagi na siyang gabi umuwi at minsan nakainom pa.

Kapag tinatanong ko kung sino ang mga kasama niya, lagi niyang sinasabi na mga katrabaho niya lang raw.

Gustong gusto kong malaman, kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Isang umaga... Sumama ako kay Peter sa trabaho nila.

Para sana surpresahin siya, dala ang pagkain na pinaluto ko para sa kanya.

Hinatid ako ni Peter sa opisina niya at para bang nakakita siya ng multo nang makita ako.

Inaasahan kong ikatutuwa niya ang ginawa ko pero para bang hindi siya mapakali.


Pagdating ng lunch, nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na at kaagad niya naman akong pinayagan. Para ngang kanina niya pa hinihintay na magpaalam na ako.

Hindi ko mapigilang mainis sa loob loob ko. Hindi ba siya masaya na nandun ako?

May tinatago ba siya???

Kuyom ang isa kong kamay habang hawak ang strap ng bag ko habang hinihintay ang pagbukas nito.

Nang bumukas nga ito ay napatingala ako't natulala sa ganda ng babaeng lumabas mula roon.

Ngumiti siya ng matamis sa akin at sa saglit na pagkakataong natitigan ko siya ay para bang natandaan ko na ang lahat sa kanya.

Matangkad, bukod sa maamong mukha ay napakasophisticated niyang gumalaw.

Para siyang diyosa, malayong malayo sa itsura ko.

Para akong nahipnotismo sa mga tingin niya at nakatulala lamang ako hanggang sa tuluyang makapasok ng elevator.

Nakasunod parin ang mga mata ko sa kanya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa nakabukas na pinto ng opisina ni Sabrina. Siyang nakaupo sa harap ng kanyang lamesa.

Nakangiti at masaya...

Pero hindi sa akin....

Kundi sa babaeng nakasalubong ko kanina.


Ni hindi niya man lang ako nakita mula rito sa papasaradong elevator na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang nararamdaman.



Ang daming tumatakbo sa isip ko. Yung mga ngiting yun, yun yung ngiti na dala dala niya sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho.

Ayokong isipin pero tila ba parang tadhana na ang nagsasabi sa akin.



Ang daming senyales, ang daming dahilan pero mas pinili ko parin ang magtiwala sa kanya.

Pinili kong isipin na hinding hindi niya magagawa yun sa akin dahil mahal niya ako.

Hindi hindi niya ako magagawang lokohin. Malayo yun sa Sabrina na nakilala ko.

Loser's club Where stories live. Discover now