Chapter 48

873 68 21
                                    

Luna

Pagbalik ko ng dorm. Kaagad akong nagtago sa kumot ko kahit na nakasuot pa ako ng pawisang damit.

Para akong mababaliw sa kabilawang ginawa ko. Diyos ko po, nagkasala ako.

Pero anong magagawa ko? para akong hinihila palapit sa kanya? Lahat nang kontrol ko sa katawan nawala ata.

Para akong sinapian ng demonyo. Ano na lang kayang sasabihin ni Sabrina?

Higit sa lahat kahit na nagdedate pa lang kami ni China, niloko ko siya. Nakipaghalikan ako sa ibang babae.

Talagang mali ang ginawa ko.

Pero bakit ganun??

Parang ang saya ko? bakit parang...

Gusto ko?

Sa sobra kong nagustuhan, gusto ko pang maulit.

Pero hindi pwede.

Seryoso na to.

Kailangan ko nang gawin ang dapat gawin. Hindi to dapat magpatuloy.

Napaupo ako saka pinagsasampal sarili ko.

"Nakakainis ka. Napakabobo mo."

Saad ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang biglang magbukas ang pinto at ilaw. Pumasok si Rys na masama ang tingin sa akin.

Laking gulat ko nang sampalin niya ako.

"Aray! b-bakit???"

Impit na tanong ko habang nakahawak sa pisngi ko.

"Gago ka! may balak ka bang maging two timer!? siraulo ka! ayusin mo tong problemang to bago pa lumala."

Singhal niya saka ako napayuko.

"Salamat sa sampal... at tama ka... kailangan ko nang gawin ang dapat."

Sagot ko.

"Ang gusto kong mangyari, linawin mo yang nararamdaman mo. Kung hindi mo gusto si China, sabihin mo na sa kanya ng diretso. Hindi yung para kang walang sariling utak, Oo ka lang ng Oo! Pati si Sabrina ginugulo mo."

"Ano ngayon kung masaktan mo siya? ganun din naman ang mangyayari. Ang importante maging honest ka Luna. Kaya sasabihin mo na sa kanya ang totoo sa lalong madaling panahon. Pabayaan mo muna si Sabrina, unahin mo muna ang problema kay China. Wag mong pagsabayin ang problema mo sa kanilang dalawa."

Nang gabing yun, puro sermon ang inabot ko kay Rys. Paano nila nalaman?

Nagsumbong si Jazmine. Alam ko namang mangyayari yun.

Lahat sila, nag-sang ayon na wag muna akong lumapit kay Sabrina. Diba nakakatuwa?

Hindi sila yung tipong magtotolerate sa masamang gawain. Kahit na gusto kong makausap si Sabrina, palagay ko tama si Rys. Kailangan kong unahin ang problema kay China.

Kaya bukas na bukas kakausapin ko na siya.

Kinabukasan....

Busy parin ang school sa ginaganap na Foundation, pero heto ako. Nakatambay sa rooftop.

Wala lang gusto ko lang sigurong mag-isip ng mga sasabihin mamaya sa harap ni China.

Napahinga na lang ako ng malalim.

"Luna?"

Napatingin ako sa nagsalita at sa di inaasahan.

"Trisha?"

Loser's club Where stories live. Discover now