Chapter 71

645 53 7
                                    



Luna




Kanina pa ako panay nakaw tingin sa kanya. Four years na kami kaya sa ngayon alam ko na ang mga kilos niya.

Okay lang raw siya pero maya't-maya kong nahuhuling nakatitig sakin.

Oo alam ko ang ganda ganda ko kaya patay na patay siya sakin pero... Iba ehhh.


"Huy bobo."



Tanginang Rys to makabobo wagas.

"Mana sayo?"

Sagot ko sa kanya.

"Oooh wala ka pala ehh."

Pang-aasar ni Jazmine sa kanya na kasunod niya lang at si Eggy na tumatawa sa tabi niya.

"Sino ka ba?"

Turan nito kay Jazmine

"Rys ako to, si Natoy...."



Dahil doon hindi na namin napigilang tumawang apat.

"Ngayon ko lang nalaman julogs ka pala."

Sabi ni Rys habang tumatawa.

"Nahawa lang ako sa inyo nuhh. Ang aarte kasi nina Irene ehh. Diko nga alam ba't naging kaibigan ko mga yun."


"Gago ka pala ehh... Hahaha" Sabi ni Rys saka binatukan siya.

"Balik sayo, anong inaarte mo dyan ha???"

Sabi ni Jazmine sa akin habang nakapamewang.

"Maupo nga kayo."

Sabi ko saka sila naupo sa buhangin sa tabi ko.

"Okay, so?"
Sabi ni Eggy.

"Si Sabrina kasi ehh."


"Anong meron kay Sab? Nagkakalabuan na ba kayo?? Yan na nga bang sinasabi ko-- aray!"


Hindi paman natatapos ay tinampal na ni Rys ang bunganga ni Jazmine kaya natawa ako.

"Patapusin mo muna kaya?? Epal ka ehhhh."

"Mas epal ka." Sagot ni Jazmine saka dinilaan si Rys na ngayon ay inis na ang mukha.


"Shut up na guys, let her talk."

Buti na lang nandito ang guardian angel kong si Eggy. Kahit kailan talaga maaasahan to.

"Alam kong may mali ehh. Ramdam ko, kaso kapag tinatanong ko siya wala raw. Okay lang raw siya... Pero kasi... Hayyy ewan."

Napalamukos na lang ako ng aking mukha saka napainom sa beer ni Rys.

"Tangina neto nang-iinom ng di kanya. Kanina pa to ehh."

"Rys ano ba?? Suntukin kita sa ilong ehh."

Kahit kailan itong dalawang to. Naiistress na ako rito nakuha pang magbangayan..

"Pano mo naman nasabi?"

Tanong ni Eggy na siya lang mukhang interesado sa buhay ko. Pisti.


"Kasi... Simula pa kahapon.. palagi ko siyang nahuhuling nakatitig sakin tapos pag nakatingin na ako iiwas. Tapos kapag titingin ako sa mga mata niya, para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi."

Tumango-tango naman siya habang yung dalawa tahimik lang.

"Hmmm baka ano... Hmmm ahh wala pala..."

Loser's club Där berättelser lever. Upptäck nu