Chapter 17

1.2K 83 5
                                    

Luna

Hay salamat! natapos ko na rin at naipasa ang lahat nang requirements ko sa school!




As usual mag-isa nanaman ako habang nakaupo sa bleachers ng field.
Ini enjoy ko lang ang huling araw ng pasukan.

Nagselfie na lang muna ako para isend kina Kuya. Hehe.

Ako: Tapos na first sem ko kuya Ronnie.

Sya: Talaga??? uuwi ka na nyan??? teka nasan ka? bat mag-isa ka??"

ako: ahh nasa field ako kuya. May ginagawa kasi si Rys ehh.

Sya: ahhh goods! sasabihin ko kina Mama. ano uuwi ka ba?? kasi papaletchon kami.

Natawa naman ako ng di sa oras.

ako: sira! di ko pa alam kung kailan basta uuwi ako.

Sya: okEy sis!

Matapos nun ay nag upload na lang ako ng picture sa fb account ko at natatawa ako sa mga comment ng mga asungot kong kaibigan.


"You look stupid smiling by yourself."

Napatingala naman ako at nasilaw sa taglay niyang kagandahan... joke. Nasilaw lang ako sa araw.

"Sabrina ikaw pala."

Tulad ko naka casual lang din siya. Kaso ito, mukhang may balak ata magpainggit sa haba ng biyas niya.

Nakashort lang kasi at blouse sa pang itaas. Di naman maitatangging maganda talaga siya.

"Watcha doing here all alone? di mo ba kasama bestfriend mo??"

Nakataas kilay na sabi niya.

"Obvious namang diko kasama diba??"

Natawa na lang ako nang irapan ako nito. Haha kala mo ah.

"Sinong kausap mo bat ngiting ngiti ka kanina??"

Eh bat ba sya nangingialam?

"Ahh boyfriend ko."

prente kong sagot.

"Psh, ikaw? magkakaboyfriend?? I mean... you're too busy, kulang na nga lang pakasalan mo na mga libro mo ehh... If I were your boyfriend I'd be bored as hell. Magchecheat na lang ako."

Napanganga na lang talaga ako habang di makapaniwala sa mga sinabi niya.

"So kacheat-cheat ako?? yun ba ibig mong sabihin???"

Tumawa naman ito ng malakas habang pumapalakpak pa.

"Hahahahaha damn.. your face.. it looks stupid."

-_- Bwesit na babae to. Sarap sipain eh.

"Oo na panget na ako. Ikaw na diyosa! oh eto luluhod pa ako."


"Yeah you should."

Sabi nito na ikinabuga ko na lang.

"Alam mo kung mang-aasar ka lang umalis ka na lang. Good mood sana ako ehh tapos nandito ka nanaman. Palagi mo na lang sinisira araw ko."



"You should be happy, ibig sabihin lang nun may papel ka sa buhay ko."

Napataas kilay na lang ako saka siya sinamaan ng tingin.

"May papel nga, scratch naman."

Naks, san galing yun hahahaha.

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito.

Loser's club Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu