Chapter 95

547 60 18
                                    

(Possible candidate na asawa ni Ms

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

(Possible candidate na asawa ni Ms. Sy)






Sabrina

Acceptance.

It's all that I needed.

After that day, nagpatuloy na ako sa aking buhay. I may have lost her but if it means she's happy, I'm happy.

Hindi plastikan yan. Talagang masaya ako para sa kanya.

I love her so much at hindi na ako muli pang magmamahal tulad ng naramdaman ko sa kanya.

She made me a better person and I thank her for that.

Napahinga ako ng malalim habang nakatanaw sa malawak na field. Ito yung madalas naming pagtambayan noon.

Ito rin yung lugar kung saan official naging kami. I remember that day so clear, how she played a song for me.

Yung araw na pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga.

Napangiti ako nung naalala ko yung time na muntik ko siyang masagasaan.

Who would have thought na yung babaeng mukhang tambay noon ay siya palang magmamahal sakin at mamahalin ko ng sobra.

And also that night we met again sa restroom.

She was only wearing a towel, nung time na yun wala akong sinayang na oras upang hangaan ang natural niyang ganda noon.

Yung mahaba at natural niyang itim na buhok. Yung inosente niyang mukha.

Yung mga mata niyang nagniningning kapag tumatawa.

God! Thank you... Kasi binigyan mo ako ng pagkakataong mahalin niya at mahalin siya.

At sana, yung taong sunod niyang mamahalin ay alagaan siya at mahalin ng lubos.

Yung hindi siya sasaktan, di tulad ng ginawa ko.



"Mommy nakangiti ka nanamang mag-isa."








I rolled my eyes when I heard her say that.

Kasunod ang nakakabinging tawa ni Irene.

"Jazmine don't ever ever call me that again! I swear to God nakakapangilabot."

Oo kasama ko yung tatlo....

Ay apat pala.

Andito rin kasi si Naomi. Ewan ko nga kung bakit nakikisali to.

Nagkayayaan kasi silang pumunta rito.

Jazmine and Irene are okay now, balita ko nagkausap na sila at nagkapatawaran.  They remained as bestfriends again.

Si Athena, masaya na siya ngayon sa piling ng walang iba kundi si Rys Anne.

Oo nagkabalikan sila.

Sana all diba?

Loser's club Där berättelser lever. Upptäck nu