Chapter 40

989 68 11
                                    

Luna

Napapangiti ako habang nakikita sila na nagtatawanan habang kumakain kami.

Naupo pa kami sa sahig sa sobrang gutom.

Kanina may ginawa si Sabrina na sadyang nakakapaggulo ng isipan ko.

Narinig ko kasi na parang may nagtatalo at nag tumingala ako, nasa harap ko siya nakatayo habang naiilang na nakatingin sa akin.

May sinasabi siya.... pero hindi ko naintindihan tapos umalis na lang siya bigla.

Itatanong ko pa sana kung ano yun kaso nahihilo na talaga ako. Gusto kong masuka pero di naman ako nasusuka.

Hanggang sa dumating na yung dalawa at sa wakas, nakainom na ako ng gamot. Bukod don, sobrang nagugutom na ako.

"Sabrina..."

Tawag ko sa kanya saka inabot sa kanya ang manok na tinanggalan ko ng buto.

"T-Thanks..."

Sagot niya saka kumain.

Napatingin ako sa iba nung napansin kong lahat sila tahimik.

"Ehem... uhmm Luna ako rin...."

Sabi ni Jazmine habang sinisiksik sa akin ang sarili niya kaya natawa na lang ako.

Kukuha na sana ako kaso naunahan ako ni Sabrina saka binigay kay Jazmine ang may buto pang hita ng manok.

"Malaki ka na Jazmine... kaya mo na yan."

Saka tumawa ang iba. Ako eto, naguguluhan. Ano bang nakakatawa dun?

Matapos kumain ay nilinis din namin kaagad saka na nagdesisyong umuwi dahil may make up class pa si Rys.

Sumakay kaming apat sa kotse ni Athena at yung dalawa sa kotse ni Jazmine.

Pagdating namin kaagad nang umalis sina Athena at Sabrina. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin si Sabrina. Ni hindi niya nga ako tiningnan man lang, na ipinagtataka ko.

Nang makauwi kami ni Rys ay naligo kaagad siya dahil nga may pasok pa siya at ako naman ay humilata sa kama dahil antok parin ako.

"Anong plano mo ngayon Luna?"

Tanong niya habang nagpapabango.

Napaisip ako.... saka bumalik sa akin ang usapan namin ni Naomi na kahapon ko pang iniisip.

Ang totoo hindi ko parin alam kung anong gagawin ko. Hindi pa nga ako makapaniwala na seryoso siya.

"Uhmmm kailan mo pa kaya ako masasagot nuh?"

Sabi niya dahilan para ako ay matauhan.

"Ah sorry... wala naman akong gagawin. Dito lang siguro."

Sagot ko.

"Okay... pag nagutom ka may snacks ako dyan sa ilalim ng kama..."

Tumango na lang ako saka na siya tuluyang umalis.

Pagkaalis niya, napapikit lamang ako habang nag-iisip. Ano nga bang gagawin ko?

Di ba wala naman sa plano ko ang ganito??

Maya maya ay unti unti na akong nakakaramdam ng antok...

Pero habang nakapikit ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao kaya kaagad kong naimulat ang mga mata ko't nakita si China na nakasilip sa pinto habang pabiro akong iniirapan.

Napangiti ako saka napaupo.

"Pasok ka."

Pumasok nga siya saka naupo sa tabi ko at yumakap sa akin.

Loser's club Where stories live. Discover now