Chapter 78

677 54 7
                                    

Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang mga batang uhugin pa lamang sina Luna at Rys, pero ngayong araw magtatapos na sila sa kolehiyo.

Magkahalong lungkot at saya dahil sa kabila ng pagtatapos ay alam nilang dalawa na marami ang magbabago sa mga buhay nila.

Kumbaga, nagsisimula pa lang sila.

Pawisan ang mga kamay silang magkahawak kamay habang hinihintay na tawagin ang kanilang mga pangalan upang umakyat sa entablado at makuha ang diplomang pinaghirapan nila ng apat na taon.

Kasama ang mga pamilya nila, si Luna na kasama ang Mama at Papa niya. Si Rys na kasama ang Ate at Mama niyang umuwi pa galing ibang bansa upang makadalo lamang sa pinaka-importanteng araw ng anak niya.

Ang lahat ay sabik at masayang nanunuod sa mga kapwa nilang magtatapos na umaakyat ng stage at inaabutan ng diploma.

Noo'y dumako ang tingin ni Luna sa kabilang banda kung nasaan nakaupo ang kasintahan niyang nakatingin rin sa kung nasaan siya.

Para bang ang lahat ay perpekto sa isipan ni Luna, pakiramdam niya labis siyang pinagpala.

Ngunit nandoon rin ang pag-aalala lalo pa't nalalapit na ang pagdedesisyon niya.

Pero isa lang ang nasisigurado niya, hinding hindi niya makakayang malayo kay Sabrina.

Nagsipalakpakan ang lahat nang tawagin na ang pangalan ni Luna, na kaagad namang tumayo at sinalubong ang kanyang mga magulang na kasama niyang aakyat ng stage upang kunin ang diploma pati na rin ang mga medalyang igagawad sa kanya.

Sa sobrang saya ay hindi niya na napigilang maiyak saka niyakap ang kanyang mga magulang.

Matapos ang seremonya, hindi magkamayaw ang mga tao sa stadium. Ang lahat ay abala sa pagkuha ng littato. Habang ang iba naman ay kanya kanya ng pag congratulate sa kapwa nila estudyanteng nagtapos ng araw na ito.

"Luna!!!! Picture tayo dali!!"

Sigaw ni Rys kay Luna kasama ang mga magulang nila.

"Mare, pangatlong beses na natin tong graduation na magkasama ah."

Sabi ng ina ni Luna sa kanyang kumare.

"Oo nga ano? Eh salamat naman nga at hanggang ngayon eh talagang maayos ang pagkakaibigan ng dalawang to. Hindi talaga mapaghiwalay."

"Syempre ma, kahit siguro hanggang kamatayan sasamahan ko to eh."

"Gagi wag ka nga marami pa akong pangarap sa buhay."

Sabi ng kaibigan na ikinatawa nila.

Maya maya ay naagaw ang atensyon nila nang may magsalita sa likuran nila at nang lumingon nga ay bumungad sa kanila si Sabrina kasama ang kanyang mga magulang.

Kapwa nakangiti ang mga ito saka sabay pang nagmano ang dalawa sa kanya kanya nilang magulang.

"Kayo siguro ang magulang ni Luna?"

"Oo kami nga, kayo rin siguro ang magulang ni Sabrina..."

Ang usa

"Oo kami nga, kinagagalak naming makilala kayo... Siguro ay... Lingid naman sa kaalaman niyo ang relasyon ng mga anak natin."

Aniya ni Mr. Sy sa ama ni Luna.

"Syempre naman, palagi ba namang nandoon yan sa amin si Sabrina at natutuwa kami na mukhang hindi naman sarado ang isip niyo sa ganitong aspeto."

"Naku, simula pa nung nagdadalaga yan eh umamin na talaga siya sa amin. Wala namang problema yun, ang importante samin ay kung saan siya sasaya."

Nagpatuloy nga ang pag-uusap ng dalawang panig at dahil abala ang mga magulang ng dalawa ay kinuha na nila itong tsansa upang dahan dahang umalis.

Loser's club Where stories live. Discover now