Chapter 23

1K 69 0
                                    

Rys

Ilang linggo na ang nakalipas simula nung matapos ang aming unang sem.

Umuwi na lang din muna ako at ganun din si Athena.

Ilang linggo na din mula nung huli kong nakausap ng matino si Luna.

Oo alam ko, mali ko. Dahil wala naman siyang ginawa sa aking masama pero siya tong iniiwasan ko.

Hindi ko lang talaga maialis sa isip ko na nakikipagkaibigan siya kay Sabrina. Yung taong sinabi ko sa kanyang iwasan niya.

Kung alam niya lang kung paano ako ininsulto nito, sigurado ako ikakagalit niya.

Galit din ako, nang dahil sa panghihigpit na ginagawa niya kay Athena.

Mabuti na lang at may isang taong nakakaintindi sa amin at yun ay si Naomi.

Sinabi ni Naomi na ilang taong niya nang tinitiis ang panget na pakikitungo sa kanya ni Sabrina.

Kaya hindi ko maintindihan kung anong nakita ni Luna sa kanya at hindi niya ito mahiwalayan.

Pero kahit na ganun, mahal ko si Luna at nagpasya akong kausapin siya ngayon.

"Ninang!! Ninang!!"

Tawag ko sa bahay nila saka lumabas si Ninang at ako naman ay nagmano.

"Kaawaan ka ng diyos, naparito ka Anne??"

"Ay nang, si Luna po? imbitahan ko lang po sanang lumabas."

Noo'y napakunot noo siya.

"Ay di mo ba alam?? umuwi sila ng probinsya... bukas na nga ang balik eh isang linggo na kasi sila roon... kasama niya nga yung schoolmate niyo raw?? ano na nga ulit pangalan nito...."

"Sa- Sab..."

"Sabrina po??"

"Ay oo siya nga! kaso di na niya pinapasok rito kaya hindi ko pa naman nakilala."

Bagsak ang balikat na napatango na lamang ako.

Umuwi siya ng probinsya na wala man lang pasabi?? eh dati ako ang sinasama niya ehh.

Tapos ngayon yung Sabrina na yun kasama niya?

"Uuwi ka na nak?? gusto mo ba tawagan natin??"

Napailing na lamang ako sa pilit na ngumiti at nagpaalam.

Saka na lang kami mag-uusap pagdating nila bukas.

Kinabukasan....

Naghintay na lang ako sa bahay nila habang nakikipagkwentuhan kina ninang.

Hanggang sa isang sasakyan ang pumarada sa maliit na kalsada sa tapat ng bahay nila.

"Oh sila na ata yan."

Tama nga dahil kinalaunan ay bumaba na sila habang nagtatawanan.

Nagbago ang mukha ni Luna nang makita niya akong nakatayo sa may pinto habang nakatitig ako sa katabi niyang nakatitig rin sa akin.

"Kumusta ang byahe niyo? naku ikaw ba si Sabrina??"

Ngumiti siya saka nagmano kay ninang kaya napangisi ako. Akala mo kung sinong bait-baitan.

"Hi po, umm okay lang naman po... I enjoyed there."

Nagsimula silang magkwentuhan ni Ninang habang si Luna ay nakatingin parin sa akin.

"Tumuloy ka na muna kaya hija, tanghaling tapat pa oh."

"As much as I want po, kailangan ko na rin po kasing umuwi. Babalik na lang po ako sa susunod na araw ."

Loser's club Where stories live. Discover now