Chapter 94

533 48 10
                                    

(Share ko lang cravings ko for today, isang Sabrina Sy lang naman ehehehehehe)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Share ko lang cravings ko for today, isang Sabrina Sy lang naman ehehehehehe)

Sabrina

Pang-apat na araw ko na rito pero hanggang ngayon ganun parin.

Hindi niya parin ako kinakausap. Nauubusan na nga ako ng techniques eh, kung pano magpapansin sa kanya.

Call me malandi na, pero di talaga ako titigil. Lalandiin ko siya hanggang sa pansinin niya na ako.

Pero minsan di ko maiwasang umasa na baka may konting pagtingin pa siya sakin. O baka naman imagination ko lang lahat.





Libre naman ata mangarap.

Gaya ng nakasanayan ko nang ginagawa. Tunutulong ako sa gawaing kusina.

I tried to help them sa taniman kaso nagalit si Luna.

Hindi ko naman raw kailangang gawin yun.

In times like that, dun niya lang ako napapansin. Kapag may mali akong ginagawa.

She's so bright and nice to other people pero pagdating sakin laging nakasimangot o seryoso ang mukha.

Nasasaktan ako, pero okay lang. Kaya kong tiisin ang lahat mapatawad niya lang ako.




"Ate Sabrina?"

Tawag sakin ni Shane na anak ni Manang Amy. Pinsang buo nina Luna at Tonton.

She's only 10 years old pero siya ang madalas kong kasama.




"Bakit?"

"Okay ka lang po?"

"Oo naman. Bakit mukha bang hindi?"

Nakangiti kong sabi.

"Opo. Malungkot nanaman po kayo eh."

"I'm okay."

I assured her at tumango na lang din siya at tumabi sakin.

I smiled as she started helping me cut things.

After the whole day, everyone came home at natira na lang kami rito.

Pero napansin ko na mukhang aalis rin sina Manang Amy kaya naman sinalubong ko sila.





"Uuwi din po kayo?"

"Ay oo hija, sabado bukas eh day off namin yun. Bale lunes ulit ang balik namin."

Sabi niya.

"Sige po."

Nagpaalam na sila at ako ay naiwang nakatayo dito sa may kubo habang tinatanaw silang papalayo.

Ewan ko ba't ako biglang kinabahan. Siguro kasi kaming tatlo lang ang maiiwan at hindi ko alam kung papano makikitungo sa kanika cause you know... They both don't like me being here.

Loser's club Where stories live. Discover now