Chapter 21

1K 79 0
                                    

Luna

"Pagdating natin Ton, magmano ka kaagad kina Lolo't Lola ahh??"

Bilin ko sa kanya na ngayon ay gising na.

"Opo ate."

Malapit na kasi kami.

Napatingin ako kay Sabrina na halatang pagod na.

Nang makarating kami ay tanaw ko na kaagad ang maliit na bahay nina Lola. Nakatayo ito sa isang maliit na sukat ng lupain at saka napapaligiran ng mga palayan.

Kaagad na rin kaming bumaba dahil mainit na sa loob ng sasakyan.

"Sabby hubarin mo muna sapatos mo. Oh eto tsinelas na dala ko."

"Huh?? okay."

Yumuko naman ako saka tinanggal sa pagkakasintas ang kanyang sapatos saka siya tinulungang hubarin ito habang siya ay nakahawak sa hood ng kotse niya.

Nang matanggal na ay nilapag ko ang isang pares ng tsinelas na dala ko saka niya ito isinuot.

Nang napatayo ako nakatitig lang talaga ako sa mga paa niyang mapuputi at napakalinis.

Saka ako napatingin sa kanya.

"What???"

Inosenteng tanong niya.

Ang unfair naman, bakit pati paa niya ang ganda???

"Uhmm wala... Akin na yang bag mo."

"I can carry them."

Sabi niya habang nilalayo ito sakin.

"You can take care of Tonton na lang."

"Ahh si Tonton ba???"

Sabi ko sabay napatingin kay Tonton na nangangalahati na ng paglalakad sa palayan.

"Oh."

Yun na lang ang nasabi niya saka ako natawa.

Inagaw ko na kaagad ang bag niya saka ako naunang bumaba sa pangpang.

At saka nilahad sa kanya ang kamay ko upang alalayan siyang nakababa.

Napangiti na lang siya saka inilapat ang malalambot niyang palad sa palad ko.

Dahil nga sa medyo mataas ang pangpang ay napatalon na siya na ikinatawa naming dalawa.

Ngunit naalala ko nakashort pala siya.

"Nakashort ka nga lang pala."

Sabi ko saka naihilamos ang mga palad ko sa mukha ko.

"Mangangati ka nyan, Sabrina. Ang kulit ko kasi e."

Wala na akong nagawa kundi ipulupot sa bewang niya ang jacket ko.

"Thanks... But your arms."

Sabi niya.

"Okay lang ako. Sanay ako dito..."

Sa buong oras na naglalakad kami ay nakahawak lang siya sa kamay ko habang nauuna akong naglalakad at hinahawi ang mga palay sa daraanan namin.

Napapangiti ako kapag nakikita ko siyang manghang mangha sa mga nakikita niya sa paligid.

Di ko kasi inexpect na magiging ganito siya. Alam niyo namang may pagkamaarte talaga siya.

Sa wakas, nakarating din kami. At nakita ko na kaagad sina Lola na nakaabang sa harap ng bahay nila.

"Halika..."

Yaya ko habang hawak parin ang kamay niya.

"Apo! ay buti naman at ligtas kayong nakarating... oh teka sino itong magandang dalaga na kasama niyo???"

Loser's club Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon