Chapter 16

1.2K 70 8
                                    

Luna

Makalipas ang limang buwan, natapos na namin ang unang semester.

Mahirap, at lalong mahirap sa parte ko. Sa loob ng anim na buwan na yun, walang ibang nangyari sa akin kundi kamalasan lang.

Kung di ako mapagtripan, nagiging biktima ako ng pang-iinsulto. Tinitiis ko lahat alang alang sa pamilya ko.

Gusto ko mang babaan ang performance ko sa academics para mailipat ako sa dapat kong schedule pero di maaari. Hindi ko isusugal ang pinaghirapan ko nang dahil lang sa isang maliit na bagay.

Magtitiis ako hangga't kaya ko.

Buti naman at kahit papano may mga kaibigan ako, sina Trisha. Hindi nila ako iniiwan.

Sa loob ng limang buwan mas lalo ko silang nakilala ng lubusan at ngayon sanay na akong kasama sila.

Mas madalas na ngang sila ang nagyayaya sakin sa labas.

Nitong mga nakaraan kasi busy rin si Rys. Yun ang sabi niya, madalas siyang umaalis. Kapag tinatanong ko kung saan, sasabihin niya. "Dyan lang sa tabi tabi."

Ilang beses na akong nagpupumilit na sabihin niya ngunit bigo ako. Pakiramdam ko talaga may tinatago siya sa akin.

Hindi ko lang malaman kung ano. Simula nung inamin niya ang nagyari sa kanila ni Rina, naging mailap na siya sa kanya.

Pinipilit ni Rina na lumapit sa kanya at makuha ang loob nito kaso palagi siyang umiiwas.

Naaawa ako kay Rina, lalo na't hindi man lang siya kinausap ni Rys matapos ang insidente.

Dahil sa madalas wala si Rys, kaming dalawa lang ang nasa dorm. Ako ang madalas na nakikinig sa mga sama ng loob niya.

Atleast, yun na lang ang magagawa ko. Bagay na hindi magawa ni Rys.

Oo inaamin ko, medyo naiinis na rin ako sa kanya. Ano ba naman kasi yung kausapin niya kahit saglit yung tao. Pero mas pinili niyang umiwas.

Kapag nagkakasama naman kami ayaw niyang buksan ang usapin na tungkol dun, at kung ako ang gumawa iiwas siya at aalis.

Hindi ko na siya maintindihan pero pinipilit ko dahil kaibigan ko siya.

Tungkol naman sa amin ni Sabrina. Ewan ko ba sa babaeng yun. Hindi ko siya maintindihan paminsan-minsan.

Minsan galit, minsan inis, minsan magtataray at minsan naman bigla na lang ako hihilahin at isasama kung saan saan.

Pero siya rin naman mismo ang nagsasabing magkaibigan kami. Ayokong sa akin manggaling dahil baka isipin nun ang kapal ng mukha ko.

Pero kahit ganun siya. Ramdam kong totoo ang pinakikita niya sa akin.

at nasabi ko na bang mailap sa isa't-isa si Sabrina at Rys?

Oo alam kong ayaw ni Rys sa kanya pero sa tingin may higit pa doon. Dumadating sa point na iniiwan ako ni Rys kapag kausap ko na si Sabrina.

Nakilala ko na rin ang mga kaibigan ni Sabrina na sina Athena, Irene at Jazmine.

Sabihin na nating sina Irene at Jazmine ay may pagkakapreha ang ugali kay Sabrina.

Nung una, snob sila. Yun bang ang mahal ang ngiti nila.

Pero si Athena, napakafriendly.

Palagi niya akong kinakausap at palangiti. Mas madalas niya pa nga akong pansinin kesa kay Sabrina. Alam niyo naman yun, may pagka bipolar.

Pababa ako ngayon ng dorm para bumili ng mga kailangan ko sa project ko.

"Hoy Luna! mag-isa ka??"

Loser's club Where stories live. Discover now