Chapter 58

966 91 9
                                    

Luna





Makalipas ang ilang linggo, bumalik ulit sa normal ang lahat.

Tulad ng binanta ni Naomi. Hindi namin muling nasilayan si Eggy sa academy. Nalaman naming kaagad siyang nag-drop.

Pero kahit na wala na siya, may bumabagabag parin sa isip ko.

Sigurado ako, hindi si Eggy ang babaeng yun. Dahil ni katiting, walang pagkakapareho ang boses nila.

Gusto kong sabihin kay Naomi yun kaso, baka kung ano pa ang sabihin niya at magalit.

Ang gusto ko lang eh makausap si Eggy, kaso walang nakakaalam kung taga saan siya. Para bang nawala na lang siya na parang bola.

Nung huling araw na yun, kita ko ang lungkot sa mga mata niya.




Gaya ng sabi ni Sabrina, stable raw kami.

Wala na kaming gaanong problema. Naging madalas kaming magkasama. Pero dahil patapos nanaman ang huling sem, sobrang busy nanaman namin.

Sabi niya, doing our homeworks and researches is my only date time with you. (ginaya ko pa boses niya ah)

Sobrang napaka-understanding niyang tao.

Nakakatuwa diba? na yung taong mahal mo. Siyang kasama mo sa pag-aaral. Tipong nagtutulungan kami at pinapalakas ang loob ng isa't-isa.

Isang bagay na pinagmamalaki ko sa kanya. Napakasupportive niya.

Kaya minsan hindi ko rin mapigilang hindi siya panggigilan. Pero palagi niyang sinasabi na take it slow o kaya it's too early for that.

Tumatawa lang ako kasi pigil na pigil nga talaga siya. Kahit nga wala naman akong ginagawa naaakit parin siya. Madalas nga siya pang nauuna.

Kapag ganun na hindi niya mapigilan kanyang bugso ng damdamin ay bigla na lang siyang aalis at iiwan ako.

Minsan tuloy nagtataka yung mga kaibigan namin kung nag-aaway ba kami. Nagkibit balikat na lang ako.


Noong nakaraan, muli kaming nagkatagpo ni China sa daanan. Niyaya niya akong kumain sa labas.

Nung una nag-alangan ako kaso sabi niya may sasabihin raw siyang importante.

Nalaman kong aalis na siya sa academy.

Ikinalungkot ko dahil pakiramdam ko kasalanan ko yun. Pero ang sabi niya, wag daw akong mag-alala dahil buo naman ang desisyon niya.

Tila nga raw ang paghihiwalay namin ay isang senyales na pumayag na siyang pumunta ng amerika. Dahil matagal na nga raw siyang pinapupunta roon para mag-aral.

Okay naman na siya, nakakangiti na at napakadaldal sa harap ko.

Kinumusta niya rin ang relasyon namin ni Sabrina at sinabi ko ang totoo.

At humingi ako ng tawad sa pananakit ko sa kanya.


"Okay na yun Luna, may kasalanan din naman ako ehh. In the first place puro lang naman ako ang nagdedesisyon eh, I never asked you what you really want and that resulted in to hurting both of us."

"I still love you that much Luna, but your happiness is more important for me. Siguraduhin lang ni Sabrina na hinding hindi ka niya sasaktan. Kasi babawiin kita, sigurado yun."


"For now, aalis muna ako. Don't forget about me okay??"





Huling mga katagang binitawan niya bago siya umalis.


Loser's club Where stories live. Discover now