Chapter 24

1K 78 14
                                    

Naranasan niyo na ba sa pagkakaibigan, yung sobrang tagal niyo nang magkasama pero dumadating parin sa point na nakakalabuan kayo sa isa't-isa???

Mahal ko si Rys at gaya ng sinasabi ko dati. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Pero di niyo maiaalis sa akin na masaktan.

Hindi naman sa may pinipili ako. Pero kasi si Sabrina... hindi niya man sabihin sa akin, ramdam ko na nasasaktan din siya. Kailangan niya ng makakasama.

Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Gusto kong samahan siya hangga't kailangan niya.

Darating din siguro ang panahon na magiging okay kaming apat.

Mabilis na natapos ang bakasyon namin. Ang dali ng araw, ngayon nasa academy nanaman ako upang mag-enroll para sa second semester.

Hinihintay ko lang si Sabrina. Grabe mag-iisang oras na siya sa taas.

Wag mong sabihin nagmemake up pa siya? eh mag-eenroll lang naman kami.

"Hey." tawag niya.

"Hay salamat!"

Paglingon ko napanganga na lang ako.

"Sabrina? mag-eenroll lang tayo... pero bat parang rarampa ka ata?"

Pano ba naman kasi. Nakadress at heels pa.

"Hmmm everyday is ramp day, Luna. I need to flex this beauty my Mama gave me."

Maarte nitong sabi sabay suot ng sunglasses.

Napangiwi na lang ako saka pailing-iling na hinila siya.

"Hey! don't drag me!!"

"Ay ewan ko sayo! madali na para mauna tayo sa pila."

Nang makarating kami sa pila namangha ako sa sobrang haba na.

"Teka, maaga naman tayo ah? ang dami na agad?"

Napakamot na lang ako saka napatingin sa kasama kong parang walang pake sa likuran ko.

"Nagheels ka pa eh mukhang tatayo tayo ng matagal."

"It's okay. You can carry me." Sabi nito sabay pacute pa.

Napabuga na lang talaga ako saka hinigpitan ang tali ng hoody ko.

"Luh asa ka. Kalaking tao mong yan."

Sabi ko saka humalukipkip.

"Hmp. Why are you so masungit today huh? dapat ako lang nagsusungit dito... ako lang."

Sabay turo sa sarili niya na ikinatawa ko. Cute din naman pala siya kapag hindi nagsusungit.

Simula kasi nung dumating kami galing sa probinsya parang nabawas-bawasan na ang pagiging maiinitin ang ulo niya.

Ako nga madalas ang mainit ang ulo eh. -_-

Baka kasi siguro para akong nag-aalaga ng bata kapag kasama ko siya.

"You look like an egg with that hoody on."

Sabi nito habang nakatitig sa akin. Ewan ko nga rin ehh.

Basta ayokong mag-ayos ngayong araw. Di pa ako nagsuklay ah. Haha.

Nagulat ako nang kurutin niya pisngi ko.

"Aray ko!! bat ka naman nangungurot! tae ang sakit kaya!"

Nababaliw nanaman siguro to. Ang sakit. T.T

Tumawa lang siya saka ako hinila sa kanya.

"Sabrina? may gusto lang sana akong itanong."

Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Loser's club Where stories live. Discover now