Chapter 25

1K 68 0
                                    

Luna

Ewan ko kung anong ginawa ko at hindi ko maintindihan kung bakit kanina pa ako iniirapan ni Sabrina.

As in kanina pa, simula nung pumasok kami sa kwarto niya.

"Sabrina. Isang irap pa aalis na ako."

Inis na sabi ko saka niya ako pinamewangan na parang nanay ko.

"I thought I told you already. I don't want you hangin' out with her. I know I shouldn't be minding your own life but... she's evil... you can't be friends with her."

"Yun lang ba? diyos ko. Edi pasensya na... kasi wala namang ginawa sakin yung tao. Maayos naman ang pakikitungo niya, kaya sino naman ako para magtaray? eh binati niya lang naman ako."

Sagot ko rito.

"Fine! hanggang dun lang kayo. Hindi na susubra doon."

Sabi nito saka naupo sa kama niya.

Nasa lapag kasi ako nakahiga. Okay lang naman kasi ang lambot nung binigay niya saking higaan.

Gusto niya sanang magtabi kami sa kama niya kaso ang liit lang nung kama niya, tsaka ang likot niya kaya matulog.

"Okay. Usapan yan ahh?"

sabi ko rito saka nakipagkamay sa kanya.

"Anyway, go get the snacks sa mini fridge. I'm hungry."

Sabi nito habang nakahilata.

Tinungo ko nga ang maliit niyang ref at nagulat sa dami ng pagkain na nandoon.

"Grabe supermarket ba to? alin ba gusto mo?"

Tanong ko.

"Potato chips! get yours too."

Kinuha ko yung piattos na malaki at kumuha na lang ng apple. Di naman kasi ako nagugutom.

"Yan lang sayo?"

Tanong niya habang inaabot ko sa kanya ang chichirya.

"Oo..."

Sagot ko saka kumuha ng tubig para sa kanya.

Para siyang bata na naupo sa higaan ko saka binuksan ang laptop at pumili ng movie.

"Uy Zombieland. Maganda yan."

Turo ko.

"NOPE."

Saka pinindot yung frozen 2.

Haha siguro di niya kaya manood nun hahaha.

Naupo na lang ako sa tabi niya habang siya busy sa panonood. Sunod sunod pa kung sumubo ng pagkain na ikinatawa ko.

"Stop staring at me."

Ang lakas naman ng pandama nito.

"Sorry... nakakatuwa ka kasi."

Sabi ko. Hindi ko naman idedeny na nakatitig talaga ako.

Unang beses ko kasi siyang makitang ganito.

"Then why? are you having a crush on me na hmm???"

Napangiwi naman ako saka lumayo sa kanya. Amfee kasi ahh? hahaha. Diba pwedeng natutuwa lang talaga ako?

"Hindi kita type nuh."

"I-I'm not???"

Bigla naman akong napatingin sa kanya na ngayon ay di maipinta ang mukha.

"Why? sino ba type mo? si Trisha?? ang panget ng panlasa mo."

Aba't! nanlait pa.

Hay naku. porke di siya ang type ko ehh.

Loser's club Onde as histórias ganham vida. Descobre agora