Chapter 42

885 63 4
                                    

Rys

"Babe!!! Babe!!!!"

Sigaw ko sa cellphone ko.

"Babe!! anong nangyari? why are you shouting!?"

"Babe??? nakita mo si Luna?? kasama niyo ba??"

Napatingin ako kay China na tulad ko ay hinahanap rin siya. Kararating ko pa lang galing klase at pagdating ko wala akong Luna na nadatnan.

Pagkatapos nun dumating rin si China hinahanap si Luna.

"Ha?? Uhmm no... kasama ko si Sabby but Luna's not with us."

"Talaga?? eh kasi wala siya rito... hinahanap rin siya ni China... mag aalas syete na oh.. di naman niya gawaing lumabas sa ganitong oras na walang kasama."

"Okay! let's meet... NOW."

Kaagad nga kaming umalis ni China at  kaagad din naman naming nakasalubong sina Athena.

Sobra ang pag- aalala sa mukha nung dalawa. Yung dalawang may gusto sa bestfriend ko.

Ang haba ng hair ni Luna ah.

"Kanina pa ba siya nawawala?"

Tanong ni Sabrina.

"Ewan ko ehh kararating ko pa lang din..."

"Sinubukan mo na bang tawagan??"

Tanong ni Athena saka ko ipinakita sa kanya ang hawak kong cellphone ni Luna.

Kilala ko yun, hindi yun nag-iiwan ng cellphone niya.

"Okay, let's split up then... Someone has to wait sa dorm dahil baka umuwi din siya...."

"Ako na lang."

Presinta ni China saka naman tumango si Sabrina.

"Sa field ako maghahanap..."

Sabi ko.

"Okay kami dito sa paligid... baka tumambay lang siya kung saan ehh."

Sabi ni Athena saka na kami nagpasyang maghiwalay.

Tumungo na nga ako sa lumang field kung saan siya madalas tumambay pero wala akong nakita ni Anino niya.

Nagtext ako kay China at wala parin raw doon si Luna.

Ilang minuto pa akong naglibot-libot hanggang sa makarating ako malapit sa infirmary kung saan kami noon lumabas nina Naomi sa isang pinto.

Tanaw ko na ang building at habang naglalakad ako ay may natanaw akong isang pigura na paika-ika kung maglakad.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil bukod sa madilim, masyado pa akong malayo sa kanya.

Napansin ko ding nakasuot siya ng jacket.

Ewan ko pero may kung ano sa akin ang nagtulak na lapitan ang taong yun kesa magpatuloy sa paghahanap.

Nang malapit na ako.

Doon na ako napatakbo.

Walang duda si Luna yun!

"Luna!!! Luna!!!"

Sigaw ko at mukhang narinig niya ako , dahilan para mapatigil rin siya.

Nang makalapit ay kaagad ko siyang niyakap.

Pero ganun na lamang ang pagkabigla ko nang makita ko ang duguan niyang mukha.

Putok ang labi at namamaga ang kaliwang kilay. May pasa rin siya sa pisngi.

Loser's club Where stories live. Discover now