Chapter 66

693 50 14
                                    

Luna

Ngayong araw na ang umpisa ng mga patimpalak at kakatapos lang nga parade.

Medyo kinakabahan ako pero kakayanin ko naman siguro.

Dumiretso muna kami sa room upang magpahinga at after lunch ang una naming game. Ganun din sina Sabrina.

Napaismid ako nang sumagi ang pangalan niya sa isip ko.

Nagtatampo kasi ako, pano ba naman kasi. Maghapon ata silang magkasama ni Patricia.

Nagpaalam naman siya sa akin kaso ewan ko naiinis parin ako.

Kagabi tumawag siya kaso sobrang late na kaya kinailangan ko nang magpaalam.

Tapos kanina binati niya lang ako sa pamamagitan ng text. Nakakainis eh.

"Alam mo sa sobrang haba ng nguso mo ngayon baka dumikit na yan sa ilong mo."

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Oh bat sakin ka naiinis?? Ito naman oh... Bugnutin mo teh. Meron ka ba?"

Pangungulit pa ni Rys kaya inirapan ko na lamang siya.

"Ano bang meron? Nag away ba kayo?"

Imbes na sumagot ay isiniksik ko na lang ang sarili ko sa kama.

"Hahahaha hay naku, ang cute mo ngayon. Halika na nga hanapin natin yung jowa mo."

Sabi niya saka ako hinila paalis. Pero ako tamad lang na naglakad.

"Ayun pala oh!"

"Sabrina!!!"

Sigaw niya saka ako napatingala at hinanap siya.




"Charot lang hahahahahahaha."

Tae. Bwesit. Langya.

Pigilan niyo ko sisipain ko na tong bestfriend ko palabas ng University.

Tawa siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan niya habang ako ay masama lang na nakatingin sa kanya.

"Okay okay, hahaha sorry na. Lika na ulit..."

"Ewan ko sayo bwesit ka."

Inis na sabi ko saka naunang maglakad sa kanya.

"Luna hintay!!!'

Sigaw niya.

Patuloy pa sana ako sa paglalakad nang hilahin niya ako ulit.

"Ayun si Sabrina oh!"

"Ewan ko sayo Rys Anne!! Isa pa talaga sasampalin na kita."

"Oo nga ayun nga oh, may kasamang magandang babae!"

Sigaw niya saka ipinihit ang ulo ko kung saan sila naroroon.

Kita ko kaagad silang naglalakad ng sabay sa hallway habang nagtatawanan.

At halos mag init na ang mukha ko sa inis nang hawakan ni Patricia ang kamay niya.

"Aray aray!!! Luna yung kamay ko!!"

Kaagad kong nabitawan ang kamay niya saka ako nagsorry. Tae, hawak ko nga pala kamay niya at diko namalayang mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa sobrang inis.

"Sorry."

Sabi ko saka ibinalik ang tingin ko sa dalawang paparating na sa kinaroroonan namin.

Nang malapit na sila ay matalim na tinitigan ko ang kamay nilang dalawa hanggang sa makita na nila akong nakatayo sa gitna ng daan.

Galing sa mga kamay nilang magkahawak ay umakyat ang tingin ko sa mga mukha nila.

Loser's club Where stories live. Discover now