Author's note

525 38 26
                                    


So ayun guys may isheshare ako sa inyong nakakahiyang kwento. 😭😂

Last week birthday nung classmate ko nung college na may kambal na teacher.

As in, magkamukha raw sila sabi nung mga kaibigan namin na na.eet na siya pero ako hindi pa.

Nahuli ako ng dating kasi busy ako tapos pagdating ko hinanap ko sila pero di ko sila makita kasi maraming bisita.

Kaya sumilip ako sa kusina tas nakita ko siya doon nag aayos ng mga pagkain..

Syempre kasi mabait ako tinulungan ko siya tapos panay kwento ako tsaka tawa puro kalokohan. Close ko kasi talaga siya pero mas matanda siya sa sakin ng limang taon.

Pero nagtaka ako ba't panay ngiti lang sya walang ambag... Pero pinasantabi ko lang muna tapos nilabas ko yung mga pagkain sa lamesa.

Pagbalik ko tinapik ko sa sya sa balikat tapos pumasok ako ng c.r.



Paglabas ko wala na siya kaya lumabas na rin ako tas nakita ko isa naming kaklase may dalang plato na walang laman.

Convo namin:

"Huy tangina pumunta ka pala kanina pa kami nagsimula."

Syempre nagtaka ako kasi kasama ko pa nga si Ate kaya panong magsisimula???

"Oo kanina pa ako... Nag iinom na kayo mga gago di nyo ko hinintay."


"Oo kanina pa actually. Andun kaya si ate sa taas kanina pa yun nandun gagi malalasing na nga ata. "

Tapos maya maya lumabas yung kamukha niya galing sa kusina.

Dun ko lang narealize shutangina!! Hindi pala sya yun. Sobrang hiya ko. Kung anu ano na pinagsasabi ko. May halong kabastusan pa. Sa sobrang hiya ko natameme ako saka umakyat na lang sa rooftop kung san kami iinom.


Tapos kinuwento ko yun kay Ate, sabi niya ang tanga ko raw talaga. Tinatawanan lang ako.

Pagbaba namin nung tapos na nakayuko lang ako hahahah futaaaaaaa 😭😭😭😭

Loser's club Where stories live. Discover now