Ever Again

1.8K 30 6
                                    

10-23-14

Daniel's POV

"Kathryn......"

"Ano naman ba DJ?" Napakagat labi ako. Wala na yatang araw na hindi siya galit sakin.

"Bakit ba galit ka na naman? May itatanong lang ako!"

"Busy akong tao, Daniel. At Alam mo yon. Marami pa akong mga bagay na mas karapat dapat pagsayangan ng oras. Sorry ha? Simula nung iniwan mo kong nag-iisa, Nawalan na ko ng oras para sa ibang walang kakwenta kwentang bagay."

Parang nabasag ang puso ko sa narinig ko.

"Kahit kailan, Hindi ko ginustong iwanan ka. Alam mo yon, Kathryn. Kahit kailan, Alam mong ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Pero wala akong magawa Kathryn! Hindi ko kayang labanan ang pamilya ko!"

"Hindi ko naman sinabing labanan mo ang pamilya mo eh. Sana itinatak mo sa sarili mo na may taong naghihintay sayo. Na may naiwan ka. Sana, inalala mo ako. Kung anong kalagayan ko........."

"Sana inisip mo na may taong pinipilit kang intindihin, kahit hindi naman dapat. Sana inisip mong kahit masakit, ginawa kong intayin ka. Pero anong ginawa mo? Hindi mo man lang ako kinamusta. Ni hindi ko nga alam kung naiisip mo pa ako e. Ako, nandito, naghihintay, umaasa at nasasaktan. Walang araw na hindi ka sumagi sa Isip ko............"

Naiinis ako sa sarili ko, kasi dahil na naman sa akin, umiiyak na naman siya. Umiiyak ang nagiisang babaeng pinangako ko sa sarili kong hinding hindi ko paiiyakin.....

"Gabi gabi, tinotorture ko ang isip at puso ko. Pati ang mata ko. Gabi gabi, Daniel........ Nagsasayang ako ng luha habang iniisip kung babalikan mo pa ba ako......... Umiiyak ako habang inaalala ko yung mga masasayang alaala natin............. Ikaw na nga lang ang natitira sa kin......... Ikaw nalang ang meron ako.............. Tapos iniwan mo pa'ko........"

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now