Notebook

2.2K 55 1
                                    

3-8-13

Kathryn's POV

"Class, maaga ako aalis ngayon. You can do whatever you want. Basta stay quiet. May maglilista. Ang mapapalista, di makakakuha ng depart. Goodbye, IV-Gold." Sabi ni sir Ronald at narinig kong nag-'YES' yung mga nasa likod ko. Saya nila eh.

"GoodBye Sir!" Pagkalabas na pagkalabas ni sir, ang mga kaklase ko'y nagpuntahan na sa kani-kanilang grupo. Ako sa pagpapantasya sa nag-iisa kong crush na si Daniel.

Kinuha ko yung red ballpen ko at nagsimulang mag-doodle sa MAPEH notebook ko. Makapal pa naman ito at di masyadong ginagamit.

'Kathryn ♥ Daniel' 'KathNiel Forever ♥' 'Daniel Padilla ♥' 'I love you so much Daniel ♥' At kung anu-ano pa.

Nag-drawing ako nang mga paborito ko at mga paborito niya. Batman sign, Mustache, Peace Sign, may puso puso effects pa.

Halos mapupuno na ng mga doodle ko ang MAPEH notebook ko. Ingat na ingat ako rito dahil nakakahiya rin kung may makakita. Ang Campus Curdy ay nagpapantasya sa Campus Heartthrob.

Baka layuan pa ako ni DJ. Oo, medyo close kami pero slight lang. Still, I could say that we're friends. Barkada pa nga eh.

"Huy Cha. Ano yan?" Nagulat ako nang lumapit si Daniel sakin at umakbay pa ito.

"Ha? Eto? Wala. MAPEH notebook lang. Di ko yata naisulat yung sa Health ehh." Palusot ko. Sana'y gumana.

"Ahh. Sige. Cha, punta ka maya ha? Sa waiting shed nalang ang hintayan." Sabi niya sakin at nag-nod nalang. Ngumiti siya sakin at bumalik na sa kumpulan ng banda niya.

Nagbalik na rin ako sa pagpapantasya.

Daniel's POV

"Ano pre? Nasabi mo na?" Tanong sakin ng sabay sabay ng banda ko.

Umiling ako. "Nako naman pre. Torpe!" Sumbat ni Katsumi. "Oo nga. Jusko. Antagal mo na kinikimkim yan eh." Sabi pa ni Lester at inakbayan ako.

"Tumi-Tyempo lang ako mga bregs." Pagmamayabang ko. Pero nanlalambot ako kapag dadaan na si Kath. Hayy. Hirap magmahal ng patago.

"Alam mo pre? Kailangan mo nang aminin yan. Pers yir (First Year) pa tayo niya eh!" Bulyaw ni Seth.

"Oo nga, Kuya. Malay mo, she feels the same?" Nag-smirk sakin ang mga loko.

"Ah basta. Mamaya na talaga. Aamin na ko." Bulong ko.

Kathryn's POV

"Okay class that's all for today. Goodbye." Pagpapaalam ng adviser namin. Lahat ng kaklase ko ay nagsitayuan. Inayos ko ang mga gamit ko. Pumunta ako kaagad sa waiting shed.

Inintay ko ang mga barkada ko at naisip na tapusin ang doodle ko.

Agad kong hinanap ang MAPEH notebook ko sa aking bag, pero di ko ito makita. "Hala. Lagot. Baka may makakita." Binulong ko sa sarili ko. Agad akong tumayo at nakasalubong ko si Deej.

na hawak yung MAPEH notebook ko.

Nagulat ako kaya inagaw ko agad iyon sa kanya. Nasa back space ito kung saan nakalagay ang last doodle ko. Naramdaman ko ang lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko.

Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

hinalikan niya ko sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Mahal mo pala ako? Mahal din kita Kathryn. Mahal na mahal." Bulong niya at hinalikan ako sa cheeks

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon