Kahit ano ka pa

1.8K 33 12
                                    


5-11-15

Isang mabigat na paghinga nalang ang napakawalan ng dalaga matapos madatnan ang 'manliligaw' KUNO niya sa kaniyang kusina. Tila naramdaman nito ang kanyang presensiya kaya agad itong pumihit para harapin siya.

Isang masayang ngiti lang ang sinalubong nito sa'kanya. Napakagwapo nito, ramdam na ramdam niya ang paglundag ng puso niya. Gustong gusto niyang ibalik ang matamis na ngiti nito, pero mataray siya. Mataray siya, martyr at takot.

Nakakatawa naman. Siya, si Kathryn Chandria Bernardo, ang babaeng pinagpala kahit hindi karapat dapat, natatakot --- dahil sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

Natatakot siyang mahulog ng sobra at makita na naman niya ang sariling nagmamakaawa. Duwag siya.

"Good Morning." Simpleng bati nito na binalikan lang niya ng tango. Nakita pa niya ang paglaki ng ngiti nito.

"Ang aga mo namang mangakyat ng ligaw, Danielito." Singhap niya. Sino ba naman kasi ang matinong manliligaw na iisturbuhin ang tulog ng nililigawan niya? Eto. Etong si Daniel lang naman.

"Nagulat nga ako't gising ka na."

"Eh malamang! Ginising ako ng magaling 'kong kapatid! Botong boto sa'yo yon ano? Kumikisay kisay pa siya habang sinisira ang umaga 'ko! Iyun nalang kaya ang ligawan mo?" Bulaslas niya.

Lumunok ito tsaka yumuko. Tsaka tumingin sakanya at ngumiti ng mapait. "Alam mo, kamukha mo ang kapatid mo. Parehas kayong maganda. Mas mabait nga lang siya, mas malambing, mas masayahin."

Hindi niya napigilan ang pagpikit ng mata niya. Bakit ganun? Akala niya, siya ang gusto nito? Akala niya, siya ang nililigawan nito? At higit pa sa lahat, akala niya, okay lang. Pero bakit siya nasasaktan?

May biglang kumapit sa kamay niya at humalik dito. "Magkamukha kayo, pero sa paningin 'ko mas maganda ka. Mabait siya, pero mas sanay ako sa kasungitan mo. Mas malambing siya, pero kahit anong lambing niya, hindi ka maalis alis sa puso 'ko."

"Mas masayahin siya, at alam 'kong ikaw, mas gusto mo magtanong kung bakit ka pinagpala imbis na maging masaya sa lahat ng mayron ka."

Bakit nga ba niya pinagpipilitan na hindi siya dapat sa lahat ng meron siya? Bakit ba hindi nalang niya baguhin ang sarili para maging karapat dapat naman siya?

"Gusto 'ko, ako yung maging dahilan ng kasiyahan mo." Pag mulat niya ng mata ay si Daniel lang ang nakita niya.

"Medyo malayo pa yon, pero pagtatrabahuhan 'ko yon. Pwede bang hayaan mo ako? Kahit ilang beses mo pa ako ipagtulakan palayo ay hindi ako titigil." Gusto niyang sapakin ang sarili. Pak! Ang swerte mong gaga ka!

Ngumuso siya tsaka nakakunot noong nagtanong. "Bakit kasi ako pa? Bakit ako pa eh masama ang ugali ko?"

"Wag kang masasaktan sa sasabihin 'ko....... pero naitanong 'ko na rin yan sa sarili 'ko."

Wag kang masaktan, Kathryn. Sabi niya sa sarili. Pero huli na rin, dahil ayun nga siya at malapit ng umiyak. Masakit. Masakit na masakit.

Choice niya 'to. Desisyon niya na maging mataray, masama ang ugali. Ngayon siya ang nasasaktan dahil lang doon.

"Nung una, you caught my attention, I was definitely taken aback of your choice of words, the way you act. I promised myself, hindi ako magmamahal ng taong ganon."

Mabilis na nagbagsakan ang luha niya. Para siyang sinasaksak sa puso. Ito na ba ang kabayaran ng tatlong taong paghihirap ni Daniel sa kanya? Sana'y inisa isa, kulang nalang kasi'y mahimatay siya sa sakit.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now