A Queen

1.7K 40 3
                                    

For the Queen of all sorts 👑👑
YOU DESERVE EVERYTHING YOU HAVE
#LessTeenMoreQueen
#Happy20thQueenKATH

3-26-15

Third
------------------


Naabutan niya si Kathryn na nakasimangot habang hawak ang telepono. May binubulong ito na Hindi niya maintindihan.

Hinintay niya munang ibaba nito ang telepono bago lumapit. "Love," Humalik siya sa pisngi.

"Paabot naman nung remover at bulak, J." Wika nito. Itinuro ng nobya ang drawer na naglalaman ng mga iba't ibang gamit. "San?"

"Top," Tipid na banggit nito. Kinuha niya ang pinapakuha nito at saka iniabot.

Nagsimula itong magtanggal ng kulay sa kuko. Kinuha niya ang remover at bulak sa tabi nito. Tinignan siya nito na parang tinubuan siya ng dalawang ulo.

Binasa niya ang bulak ng remover. Tinakpan muna niya ang lalagyan.Kinuha niya ang kamay ni Kathryn, "J!"

Ngumiti lang siya. "Po?" Tanong niya habang busy na sa pagkuskos ng basang bulak sa kuko ng dalaga.

Hindi na umimik ang isa. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. "Ang brusko mo kasi magtanggal e," Komento niya. Maingat ang bawat galaw.

"Ayan," Kinolekta niya ang nagamit na bulak. Tumayo para itapon sa maliit na basurahan sa kwarto ng katipan.

Dumako siya sa maliit na 'dresser' nito kung saan madalas niyang naaabutan itong nagaayos kapag maaga siyang nadalaw. Inilibot niya ang paningin sa mga kagamitan doon. Napukaw ang tingin niya ng isang nangangalahating Victoria's Secret na lotion. Yun ang kinuha niya at saka lumapit muli sa kinauupuan ni Kathryn.

Siya mismo ang naglagay ng kakaunti sa kamay niya saka ikinulong ang dalawang kamay ng huli. Mahinahong minasahe niya ang kamay nito, at hindi kinakalimutan ang paligid ng nilinis kanina.

"Okay na?" Tinanguan lang siya nito.

"Wag ng sumimangot, please," Pakiusap niya. Patuloy lang siya sa pagmasahe ng kamay nito, "Please Bali?"

"Okay," Ngumiti nalang din siya sa sagot nito. "What do you want to do, ba?" Konsulta niya dito. Ilang araw na kasi itong nagpaparinig sa kanya. Nagpapalambing at gustong manood ng kakalabas palang na mga pelikula.

Ngayon lang siya nakatyempo. Barado kasi sila ng trabaho. Gusto niya sanang magpahinga ngayon, pero sa planong iyon ay nais parin naman niyang kasama ang nobya.

Ilang sandali ang itinagal ng pananahimik nito. Nakatingin lang kasi ito sa pader na tila sobrang lalim ng iniisip. Tinitigan lang niya ang mukha nito.

"Bali," Pagtawag niya ng pansin. Ikinulong niya sa dalawang kamay ang mukha nito. Hindi nga ito nakasimangot, ngunit seryoso lang ang ekspresyon nito at hindi nagpapakita ng anumang emosyon. "Anong problema?"

"Hungry," Simpleng wika nito. "Date tayo?" Alok niya na ikinangiti rin sa wakas, ni Kathryn.

"Okay! Let's go, my love!" Magiliw na aya niya at tuluyan na ngang ngumiti ito ng matamis.

------------------

Di pa man sila nakalalabas ng bahay ay nagiinit na ang ulo niya.

"Ano ba namang," Nagtitimping anas niya. "Ano na naman yan mahal." Nagtaka ang isa sa sinasabi niya.

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon