Hanggang

1.7K 33 12
                                    

8-13-15

I chose the latter. #IYKWIM

"DJ! Pare! Kamusta? Tara inom!" Daniel scrunched his nose as Katsumi inched closer.

"Come on pare! Isama natin sila Les!" Nakangiting tipid siyang umiling. "I can't. Sorry."

"Woah? Purkit pabebe-- ay business man ka na ay talagang kinareer mo naman yung Prim and Proper act mo! Dude, alam naming nagtatago lang yung inner katarantaduhan mo! Pinatulog mo lang! Kami na gigising!" Pangungulit muli nito at napakamot nalang siya.

"Next time nalang, Kats. May... may gagawin kasi ako...."

------------------

"Hmm...." mahinang ungol niya nang maramdaman ang matinding sakit ng ulo. Hinimas niyang sandali ang sentido bago kinuhang muli ang punong shot glass.

He wasn't Prim and Proper. Look at him, right now, wasted while reliving memories he still depended on.

He really preferred to get wasted alone. Kaya niya nga tinanggihan ang aya ng kaibigan. He didn't want anyone to see him at this state....

After a year, he was successful. They said he was successful..... but to him?

"Magiging successful lang ako nang tuluyan kapag kasama kita, mahal 'ko.Balewala lang lahat ng ipinupundar 'ko kasi wala ka naman sa tabi 'ko! Kath... Kathrynnnn!" He groans as his tears carelessly coated his cheeks.

"Kaaath....... Kaaaaath!" He sobbed.

Inubos niya ang lahat nang lakas at boses sa pagsigaw ng pangalan nito.

"Parang awa mo na........ bumalik ka sa'kin....."

----------------------------

"Hay nako, ikaw talaga, K! Puro pinya! Naglilihi ka ba?"

Nabitawan ni Daniel ang baso sa narinig.

Nakita niya ang pagangat ng tingin ni Arisse. Nanlaki ang Mata nito. "S-sorry.. lilinisin 'ko nalang...."

"Anong nangyari?" Humahangos si Patrick papasok sa kusina. "May narinig akong nabasag... ano yon?" Tanong nito at napatingin sa kaniya.

"Pare?"

"Pasensya na, nabitawan 'ko kasi. Wag ka mag-alala, lilinisin 'ko naman. Lumabas nalang muna kayo baka kasi mabubog kayo."

Pagkalabas ng dalawa'y kinuha niya ang dustpan at sinimulang pulutin ang bubog. Naramdaman niya ang paglabo ng paningin, at tuluyan na ngang nagsiunahan sa pagbagsak ng luha niya mula sa kanyang mata, patungo sa malamig na sahig.

Isa isa siyang nagpulot. Kada pulot ay dahan dahang pinupunasan ang pisnging sa pagkakataong iyon, ay puro na naman bahid ng luha.

"DJ--- DJ! Ano ka ba? Nagdurugo ang kamay mo!" Napangiti pa siya.

"Tuluyan na yata akong namanhid pare........ ni Hindi 'ko naramdaman yung pagbaon ng bubog sa palad 'ko. Sana complete numbness nalang.......... kaso ang sakit parin e........ ang sakit sakit dito o!" Nanghihinang tinuro ang dibdib, "Nagdurugo rin ito o........ sa tingin mo kakayanin ng band-aid tagpiin 'to?" Pumikit nalang siya at huminga nang malalim habang umiiling.

"DJ.... ano bang nangyari...." Tanong pa ni Patrick matapos magamot ang kamay ni Daniel. Mabuti nalang at hindi malalaki at Hindi rin ganoon kaliliit ang mga bubog na sumugat kay Daniel.

Hindi pa nga ito makapaniwala nang Hindi man lang umaray o nagreklamo si Daniel habang ginagamot ang kamay nito. Kahit ang ekspresyon nito ay nanatiling nakaguhit sa muka nito. Seryoso lang at halos walang pakialam habang nakatitig sa sugatang kamay.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now