Finally

1.9K 31 2
                                    


8-12-15

The One That Got Away part DOS *★,°*:.☆\( ̄▽ ̄)/$:*.°★*

Isang magandang umaga ang sumalubong sa kanila matapos ang gabing iyon. Sino ba naman ang hindi sasaya sa pagtulog at maging paggising na kasiping ang taong mahal na mahal niya?

Ito na yata ang pinakamagandang gising niya mula pa noong insidenteng iyon. Bagamat halos alastres na silang nakatulog dahil sa walang katapusang paguusap, wala siyang nararamdamang pagod.

Tila lumayas na lahat ng kalungkutan sa buhay niya mula pa kagabi.

Nagitla siya ng may humalik bigla sa kanyang pisngi. "Woy! Sabi 'ko Good Morning pooooooooo!"

Isang ngiti nalang ang naipakita niya. "I love you."

Napalapad pa nga lalo ang ngiti niya ng masaksihan ang pamumula ng pisngi ng nobya. "Wala ba 'kong I love you too?"

"Ehhh! Baka magsawa ka." Nakangusong sabi nito.

"Diba sabi 'ko hinding hindi ako magsasawa?" Sumiksik nalang si Kathryn sa kanya bago bumulong ng pagkatamis tamis.

"Mahal na mahal kita."

----------------------

Ilang sandaling nanatili silang nakaganon, walang katapusang yapusan at mumunting halik. Walang pakialam kahit sila'y bagong gising pa man.

"Dani------" Malakas ang pagbukas ng pinto ng kwarto, iniluwa ang nanay ni Daniel na si Karla.

Nagpupuyos sa galit si Karla sa nasaksihan."PUNYETA KA! ALAM 'KONG NASASAKTAN KA PARIN GAWA NUNG KAY KATHRYN PERO HINDI IBIG SABIHIN NON E MAGUUWI KA NALANG NG BABAE!" Itinaas pa into ang tsinelas at akmang ibabato ng pigilan siya ni Daniel.

"Ma! Wag!" At pilit na ipinangtakip ang sarili kay Kathryn. "ANONG WAG?! PUNYETA DANILO PAPALAYASIN KITA DI---"

"Titaaa?" Pagtawag ni Kathryn at agad na napahinto si Karla sa narinig. Luminga linga ito, hinahanap ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses na iyon.

Agad namang bumangon na si Kathryn mula sa pagkakahiga. "Hehe, tita."

"Kathryn anak???" Gulat na sambit nito. Agad siyang hinila nito papalapit at niyakap ng mahigpit.

"Jusko anak, kamusta ka na? Anong ginawa sa'yo nitong baliw na 'to?! DANILO HINDI KITA PINALAKI PARA A----"

"MA! NATULOG LANG KAMI!" Nayayamot na sabi ni Daniel. Bumulong pa ito ng mahina. "Nagmomoment pa kami nakakainis na---"

"Bubulong ka pang tarantado ka!" At binatukan pa si Daniel.

Kahit kailan talaga, napakalakas ng boses ng mama niya.

"Ma naman, baka magising sila Magui!"

"Hay! Tara na nga Kathryn anak, iwan na natin yang ku---"

"Ma naman eh!" Naiiling na reklamo niya. Nakanguso pa. (Say mo?)

"Ang cute cute naman ng baby bubot!" At nanggigigil na pinisil ang pisngi niya, "Sige, baba na kayo maya maya ah? Magluluto lang ako."

"Hehe, bye titaaaaa!" At pagkasarang muli ng pinto ay namumulang humarap si Kathryn sa kanya.

"Ba? Bakit ka namumula?" Nanunudyong tanong pa niya habang nakangiti ng pagkalaki laki. Ngiting tagumpay.

"Eh! Tutulong na nga lang a--" akmang pupunta ito sa pinto ngunit agad na napigilan ni Daniel at hinilang muli sa kama.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now