MOVE ON

2.2K 53 3
                                    

8-23-14

Kathryn's POV

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" Sigaw ko sabay himas nung parteng natamaan ng bola. Lumingon ako sa pinanggalingan noon, at katulad ng inaasahan ko, siya na naman.

"Ay shet. Sorry Kathryn." Sabi niya sakin. Ano ba Daniel? Paano ako makaka-move on kung laging ganito ang ginagawa mo?

"Okay lang. Sige mauna na ko." I bit my bottom lip at nag-walk out na.

"Wait! Kathryn!" Sigaw na naman niya. Hindi ako lumingon. Bagkus, pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.

Naramdaman kong may tumusok sa may ulo ko. Papel na eroplano pala. Sa sobrang galit ko, Hinarap ko si Daniel at binato sa harap niya ang eroplanong gusot gusot na.

"ANO BA DANIEL?! BAKIT KA BA GANYAN?!" Sigaw ko sakanya. Lumapit ako at pinagpapalo ang dibdib niya.

"EWAN KO BA SAYO! TANGA KA BA O UMEEPAL LANG?! ANG PAPANSIN MO!" Sigaw ko ulit habang patuloy na pinapalo ang dibdib niya. Tumulo ang luha ko.

"KAUSAPIN MO NALANG AKO! HINDI YUNG KUNG ANU-ANONG PAPANSIN ANG GINAGAWA MO! NAKAKASAKIT KA NA EH!" Wala na. Tuloy tuloy na ang pagdaloy ng mga luha ko. At nanghihina na ako. Unti unti nang humihina ang pagpalo ko sa kanya.

"Daniel, di ka pa ba napapagod? Kasi ako, sukang suka na 'ko eh. Pagod na pagod na ko." Tinitigan ko siya sa mata. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Pano ko magmu-move on? Kung patuloy lang ang papansin mo?"

"Alam ko, wala akong karapatang mag-iiyak at mag-reklamo. Pero kasalanan ko ba? Punong puno na 'ko eh. Ang sakit sakit na." Hinimas himas niya ang likod ko. "Ako yung nakipag-break, pero ako yung lubos na nasasaktan. Bakit ganon DJ? Bakit ang kumplikado?"

Maya maya ay naramdaman kong basa na ang balikat ko. Umiiyak siya. Si DJ......

"It's been 5 months. Pero bakit nahihirapan pa rin ako? Bakit di pa rin ako maka-move on?" Umiling iling ako. "K-kung h-hindi ka nakipag-break sakin, edi sana imbis na nag-iiyakan tayo dito, ang saya saya natin diba?" Bulong niya.

"Bakit ka pumayag,DJ?" Kumalas siya sa yakap at tumingin sa mata ko. "Akala ko kasi, magiging masaya ka kapag pumayag ako. Akala ko, di ka na masaya sakin. Akala ko,may iba ka na." Sunod sunod ang pagpatak ng luha niya.

Tumawa siya ng peke. "Remember? My happiness for your happiness. Kahit ako na ang umako nang lahat ng sakit, wag ka lang malungkot. I can't stand seeing you unhappy. Lalo na kapag ako ang dahilan." Napayuko siya at umiling iling.

"I was so stupid back then. Hinayaan kong tapusin natin ang relasyon na to kahit bakas sa mukha mo ang lungkot noon. Hindi ko manlang nahalata." Tumingin siya sakin.

"D-DJ," Niyakap ko siya. Patuloy lang ang pagtulo nang luha namin. Kumalas ulit siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Tumawa siya at tuluyang nilapit ang mukha niya.

"Namiss kita,Ba." He whispered and crashed his lips unto mine.

"Pasalamat ka mahal kita!"


I kissed him passionately and pulled away after a while.. Ngumiti ang loko. "Isa pa." Nag lip bite pa. I playfully slapped him at sabay kaming tumawa.

"I love you so much, Baby." I giggled.


"I love you too!" He grinned and kissed me again.

"Hoy Pot! KOTANG KOTA KA NA HA!" Sigaw ko sabay takbo palayo sa kanya. Tumawa siya at hinabol ako.




















Di ko na pala kailangang mag-move on, kasi mahal pa pala ako ng taong mahal ko.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now